Sydney Ortiz Unti-unting lumambot ang mga tingin ni Sir Ethan sa akin saka siya marahan na nagsalita. “Sydney, tama?” tanong niya. Marahan din naman akong tumango sa kanya bilang pagtugon. Humigit siya ng malalim na paghinga habang may mataman na tingin sa akin. Saka siya muling nagsalita. “Do you know my cousin?” tanong niyang muli. Umawang ang mga labi ko at hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoo, na kilala ko ang pinsan niya. Kaya naman sa huli ay… “P-Pasensya na po, Sir Ethan. M-Mauna na po ako,” iwas ko sa tanong niya saka ako mabilis na tumalikod sa kanya. Naglakad ako palayo ngunit agad din akong napahinto nang muli kong marinig ang tinig niya. “How do you know my cousin?” muling tanong niya sa akin saka ko narinig ang mga yabag niya palapit sa akin. “Tell me,” da

