Ethan Vego “Kung ganoon, sinasabi mo bang… ang babaeng iyon ang naging dahilan ng pagpapakamatay ng pinsan ko?” matalim at seryosong tanong ko sa police investigator na nasa harapan ko ngayon. “Hindi ko pa masasabi pero… posible. Since, siya ang huling nakausap at nakasama ni Mr. George Vego bago siya magpatiwakal,” tugon nito sa akin. “Ituloy niyo pa rin ang pag-iimbestiga. Sa crime scene maging sa unit ko na pinasok ni George bago siya pumasok at mamalagi sa sariling unit niya,” seryosong sabi ko saka ako mabilis na tumalikod at naglakad na palabas ng police station. Lihim kong naikukuyom ang mga palad ko habang naglalakad ako patungo sa aking sasakyan. I can’t believe this. Sa aming dalawa ni George, ako ang pinakamahina at talunan pagdating sa pag-ibig. Iisang babae lang ang minaha

