Sydney Ortiz Paulit-ulit kong pinupunasan ang glass window hanggang sa unti-unti din akong mapapatulala. Kahit anong pilit ko na isipin ang trabaho ko ay hindi ko magawa. Dahil ang totoo ay nanghihina ako. Nanlalambot ako. Nasasaktan ako. Hindi ko alam kung paano ko malalabanan ang matinding emosyon na nararamdaman ko ngayon. Gusto kong umiyak. Gusto kong umiyak nang umiyak hanggang sa wala na akong maiiyak. Gulong-gulo ang isipan ko dahil sa mga katanungan na paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko na hindi ko alam kung paano mabibigyan ng kasagutan. Wala na si George. Hindi pa rin iyon mag-sink in sa isipan ko. Paano siya mawawala at bakit? Kasama ko lang siya kagabi. Kausap ko lang siya kagabi. Hindi ko alam na huli na pala ang lahat ng iyon. Dahil kung alam ko lang sana na iyon na

