Sydney Ortiz “Anak? Ayos ka lang ba?” Napaangat ako ng tingin at nakita ko si Inay na siyang nag-aalalang nakatingin sa akin. “P-Po?” tanong ko sa kanya. “Mula kasi nang dumating ka dito sa bahay ay natutulala ka na lamang. May nangyari ba—” “Hindi ko po sinasadya na may mangyari—” mabilis na putol ko kay Inay ngunit agad din akong natigilan nang ma-realize ko ang mga pinagsasasabi ko. Saka ko marahan na natutop ang aking mga labi. “Ano iyon, Anak?” muling tanong ni Inay sa akin at mas lalong bumakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. “Ah… eh… ang ibig ko pong sabihin… ano po kasi…” nauutal na sabi ko kay Inay na tila hindi ko malaman ang aking sasabihin sa kanya, habang mangha at may pag-aalala lamang itong nakatingin sa akin. Tila naguguluhan siya sa mga ikinikilos ko ngayon. “Okay

