Ethan Vego “I just want you to rest. Kaya kita pinapunta dito.” What a lame excuse. Hindi ko alam kung bakit nasabi ko sa kanya kanina ang mga salitang iyon. Though, totoo din naman na nag-aalala ako para sa kanya at gusto kong makapagpahinga siya. Pero mabuti na lang at hindi na siya nagtaka o nagtanong pa sa akin kanina. Pwede naman kasi siyang magpahinga sa kanila, ‘di ba? Alam ko naman na nandoon lang siya sa kanila kasama ng pamilya niya, pero hindi kasi ako mapakali simula pa kanina nang magising ako na wala siya. Yes, I was drunk last night pero alam ko ang nangyari. At malinaw sa akin lahat. Malinaw kung paano may nangyari sa amin. Malinaw kung paano ko siya naangkin. At iyon din ang unang beses na ako ang nakauna sa babae. Kaya siguro ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko alam n

