Sydney Ortiz “Huh?” Para akong nabingi sa mga huling sinabi ni Sir Ethan sa akin. Ngunit hindi na siya nagsalita pa at sa halip ay tanging matamis na pagngiti na lamang ang itinugon niya sa akin. Bagay na siyang tuluyang nagpagulo sa buong sistema ko. Muli kaming binalutan ng katahimikan nang mga sandaling iyon. At kung ano ang ikinatahimik ng paligid namin, ay ang ikinalakas at ang ikinaingay naman ng pagtibok ng puso ko. Sunod-sunod akong napalunok dahil para bang bigla akong nahirapan magsalita. Hindi ako mapakali dahil sa pag-iingay ng dibdib ko kaya minabuti ko na lamang na ibalin sa iba ang tingin ko. Inabala at nilibang ko ang aking sarili sa mga bagay na natatanaw ko mula sa labas ng sasakyan. At maya-maya lang ay napagtanto ko na iba na ang daan na tinatahak namin. Hindi ito an

