Sydney Ortiz Mabilis kong binalingan ng tingin si Patrick na nananatiling nakangiti sa harapan ko, saka ako nagpaalam dito. “Masaya akong makita ka ulit, Patrick. Pero kailangan ko na kasing umalis.” “Nagmamadali ka ba? Saan ka ba papunta? Gusto mo ihatid na kita?” sunod-sunod na tanong niya sa akin. “Naku, hindi na. Nakakahiya naman na maaabala pa kita,” tugon ko sa kanya. “It’s okay, Sydney. Sige na, saan ka ba papunta ngayon? Ang tagal din kasi nating hindi nagkita at pagka-graduate ay wala na akong naging balita pa sa iyo,” giit ni Patrick sa akin. Sinulyapan ko ang oras sa relong suot ko. Forty-five minutes na lang ang natitirang oras na mayroon ako para makapunta sa Blue Prime Hotel. Kaya naman sa huli ay pumayag na din ako sa alok ni Patrick sa akin. Kilala ko naman siya dahil

