Habang inaasikaso ng nurse si Selena sa clinic ng aking resort, bumaling ito sa akin, "Thanks Caleb. Just like the old times, alam kong hindi mo ako matitiis," Tahimik akong nakatayo sa may hamba ng Clinic nang matapos ang nurse at iwan kaming dalawa. Lumapit ako kay Selena na kasalukuyang nakaupo sa isang silya, "Kamusta na ang paa mo?" "Mmmm, medyo masakit pa rin. Samahan mo muna ako sa room ko," Tinignan ko syang diretso sa mata, "I'm sorry Selena, pero hindi kita pwedeng samahan sa kwarto mo," "Dahil ba kay Kate?" sambit nya Napahilamos naman ako ng aking mukha at muli ay tinignan sya, "Look Selena, I'm really sorry for cancelling our engagement. Mahal kita bilang kaibigan. Pero si Kate ang babaeng gusto kong makasama habang buhay," Isang malakas na sampal naman ang aking natan

