"Buti naman at sumama ka ngayon sa amin," bungad sa akin ni Matt nang makarating ako dito sa bar. "Akala namin kinalimutan mo na kami," dagdag pa ni Adam "Masyado lang busy sa kompanya," sagot ko. Simula nang umalis si Kate ay ginugol ko na lamang ang aking oras sa trabaho at paminsan minsang paglipad sa Amerika upang makita sya mula sa malayo. Palagi ko ring sinusundan ang mga posts nya sa social media, nakukuntento sa mga larawan kahit na sobra akong nangungulila sa kanya. Kaya naman noong nakita ko silang dalawa ng lalaking iyon ay parang gumuho na rin ang aking kalooban. Pinipilit ko nang limutin sya kaya isinusubsob ko ang sarili sa kompanya. At heto ngayon, susubukan ko munang mag enjoy kasama ang mga kaibigang matagal ko na ring hindi nakasama Napagkasunduan naming magkita dito s

