Kate's POV Bawat hakbang palapit sa boarding gate ay sya namang tindi ng hapdi ng aking nararamdaman. Parang dinudurog ang aking puso na mistulang maiiwan ang kalahati nito dito sa Pinas. "Ma'am, ayos lang po ba kayo?" tanong sa akin ng airport personnel. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako at nanginginig ang aking kamay na hawak ang aking boarding pass at passport. Nabasa na ng patak ng aking luha ang boarding pass na kita mula sa iniwang bakat ng tubig. Umiling ako sa babae, "I'm sorry" Bakas sa kanyang mukha na hindi maintindihan kung ano ang nangyayari sa akin ngunit malinaw sa akin ang lahat. Hindi ko sya kayang iwan. Ilang beses na akong umalis at lumayo, pero palagi pa rin akong bumabalik at pipiliin ko pa rin ang bumalik sa kanya. Tumalikod ako at lakad takbong lumabas n

