CHAPTER 27

1538 Words

Nasa opisina ako ngayon at habang abala sa mga gawain, hindi ko maiwasang mag isip tungkol sa pagkikita namin ng mga magulang ni Caleb mamaya. Si Caleb ang naghatid sa akin pagpasok sa opisina at dumiretso muna sya sa kanyang opisina para asikasuhin ang mga naiwang trabaho. Nagkasundo kami na ipapasundo nya ako mamaya sa kanyang tauhan at magkikita kami sa kanyang condo unit bago tumungo sa bahay ng kanyang mga magulang. Naghahalo ang excitement at kaba sa aking nararamdaman. Ang sabi sa akin ni Caleb ay gusto raw akong makita ng kanyang mga magulang at wala raw akong dapat ikabahala. Ngunit hindi ko pa rin maiwasang kabahan lalo na't mayaman ang kanyang pamilya; hindi ko alam kung magugustuhan ba nila ako o maikukumpara kay Selena. "Ang lalim ng iniisip ah," ani Victoria. "Tara, magbre

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD