Makalipas ang isang taon... Isang maaksyon na araw muli sa restaurant. Nagtatrabaho ako ngayon bilang isang restaurant manager dito sa LA. "Ako na ang magdedeliver nito, anyway sa kabilang block lang naman sina Emily. Ikaw na muna ang mag asikaso sa mga customers," ani ko "Thanks, Ms Kate! I-follow up ko din ang mga riders para madeliver na rin ang mga natitirang orders," ani Kim Ang daming orders at naka out lahat ang mga riders for delivery kaya tumulong na rin ako na madala ang ilan lalo na kung malapit lang naman. Iniwan ko muna si Kim, isa ring Filipino dito sa LA, para asikasuhin ang mga customers. Pati ang mga kumakain dito ay dagsa rin. Sa loob ng isang taon ay ganito ang buhay ko dito sa Amerika. Abala sa pagmamanage ng restaurant at pag aasikaso sa mga customers. Malayo sa a

