Nagising ako sa maingay na tunog ng aking phone. Hindi dahil sa alarm, kundi mayroong tumatawag Kahit nakapikit at inaantok pa ay pinilit kong abutin ang aking cellphone. "Hello," nagboses lalaki pa ako dahil kakagising pa lamang Ngunit nawala ang aking antok nang marinig si Caleb sa kabilang linya, "Get up. Aalis tayo ngayon," Sobrang aga pero nagsisimula na akong mairita, "Huh? At sino naman ang nagsabing aalis tayo ngayon?! Hindi porket hindi ako umalma sa mga magulang mo, ay didiktahan mo na ako sa gusto kong gawin--," "Let me in. Nandito ako sa harap ng pinto ng suite mo," I groaned in irritation. This man gets into my nerves! Bumangon ako at naglakad para buksan ang pinto. Bahagyang nagbago ang aking nakalukot na mukha nang makita si Caleb na nakatayo sa aking harapan. Mukha

