Patuloy ang pagbagsak ng tubig ng shower sa aking ulo at mukha pababa sa aking katawan. Kahit pilit kong kalimutan ay hindi mawala sa aking isip ang mukha ni Caleb. "Hayst!" sambit ko habang napasabunot sa aking buhok. Ano bang nangyayari sa akin? Minsan na akong niloko kaya dapat ay alisin ko na sya sa aking isip! Pagkatapos maligo ay naupo ako sa kama at nagtuyo ng buhok. Habang nagsscroll sa aking phone ay nakatanggap ako ng mensahe mula sa aking boss: Hi Kate! The Chairman would like to invite you for a dinner at their house tomorrow. The driver will pick you up at 5. Lumapit ako sa aking closet para ihanda ang napili kong damit na isusuot para bukas. Ilang sandali ay tumunog ulit ang aking phone: Tessa: Hi Ate Kate! Libre ka bukas? Tara, bonding tayo :) Napangiti naman ako sa m

