Gabi na nang magpasya kaming bumaba para magdinner. Napagkasunduan naming apat na sa hotel lobby na lamang magkita.
Nauna na sina Megan at Tessa na bumaba. Samantalang kami ni Caleb ay kasalukuyang sakay ng elevator habang magkasalikop ang aming mga kamay. Nang bumukas ang pinto ay bumungad sa amin ang eleganteng hotel lobby. Mas elegante ito kapag gabi.
Pagkalabas namin ay nakita na namin ang dalawa na abala sa pagseselfie. Dahil sa eleganteng disenyo ng paligid ay tiyak instagrammable ang bawat sulok nito. Nilapitan namin sila,
"Tama na yan, Megan, maganda ka na," pang aasar ko sa kaibigan
"Bes, sa ganda ng lugar na ito eh dapat sulitin," sagot nito sabay pose na kinukunan naman ng letrato ni Tessa gamit ang phone.
"Ako naman ang magpo-pose, Ate Megan," maktol ni Tessa
Bahagyang natawa si Caleb sa asta ng dalawa. Hinawakan nya ang aking likod at bahagyang tinulak palapit sa mga kaibigan, "Tara, kunan ko kayong tatlo ng picture"
Pumwesto na nga kaming tatlo at habang kaming lahat ay enjoy sa picture taking, napukaw ang aming pansin sa boses ng isang babae
"Hey, Caleb!" anito
Natigil sa pagkuha ng aming picture si Caleb at napatingin sa babae. Nagulat na lamang sya nang bigla syang yakapin nito. Nanatiling nakababa ang kanyang mga kamay habang ang isa ay hawak ang phone. Samantalang ako ay nakatitig lamang sa babaeng mahigpit ang yakap kay Caleb.
Nang makabawi ay bahagyang lumayo si Caleb. Seryoso ang mukha nito at nagtanong, "Selena, what are you doing here?"
Selena? Tinignan kong mabuti ang mukha babae at napagtanto na sya ang customer sa cafe.
"I've heard na kaka open lang nitong bagong resort so I decided na magbakasyon muna dito ng ilang araw," ani Selena.
Hinawakan pa nito ang isang braso ni Caleb, "So, any plans for tonight?".
Hindi ko maintindihan kung matatawa ba ako o sasabunutan ko na ang babaeng ito sa loob loob ko. Halata naman sa mga nagniningning nitong mga mata may gusto ito sa boyfriend ko.
Agad na tinanggal ni Caleb ang kanyang braso mula sa pagkakahawak ni Selena,
"Sorry Selena, pero may dinner kami ng girlfriend ko at mga kaibigan,"
Natigilan naman ang babae habang nagbubunyi naman ang aking kalooban. Nang makabawi ay bahagyang itong ngumiti,
"I-i see, " at tumingin sa aming tatlo. Agad na kinuha ni Caleb ang aking kamay at hinila ako palapit sa kanya.
"Selena, this is Kate, my girlfriend. Sina Megan at Tessa, mga kaibigan namin,"
Tumingin sa akin si Caleb habang hawak pa rin ang aking kamay, "Baby, this is Selena, kababata ko,"
Ngumiti naman ako at tumingin kay Selena na ngayon ay seryoso ang mukha. Bumalik ang aking tingin kay Caleb,
"Customer sya sa cafe ni Megan. Nagkita na kami dati,"
"Really?" tanong nito.
Tumango ako at bumaling naman ulit kay Selena, "Hi, nice to see you again,"
Bahagya naman itong ngumiti, "Yeah, I know you... and the other girl," sabay tingin kay Megan.
"Megan," pagtatama ng aking kaibigan
"Oh yeah, Megan. We've met before. Well, it looks like may lakad pa kayo so see you around later,"
Nang makaalis si Selena ay dumiretso na rin kaming apat sa al fresco restaurant ng hotel. Tumungo kami sa table kung saan may mga taong nakaupo at mukhang hinihintay kami,
"Hey! Ang tagal nyo ah," ani William. Kahit nagrereklamo ay smiling face pa rin ito. Nakakadagdag pa sa charming smile nya ang pantay at puting mga ngipin. Tumayo pa ito at hinila ang isang upuan para kay Tessa.
Agad namang pinamulahan si Tessa, "Salamat po."
"Po? Wag ka nang mag- Po, magkaedad lang naman tayo," ani William
"O-okay," nahihiyang tugon ni Tessa
"Ang agang pumorma ah," ani ng isang lalaking kasama sa table. Mestizo rin ito at magandang lalaki rin. May kasama itong babae na mukhang mas bata sa akin ng ilang taon. Simple, kayumanggi at maganda.
"Whatever, dude," ani naman ni William
Natawa na lamang sina Caleb at ang mestizong lalaki. Habang hinila ni Caleb ang kanya kanya naming upuan ni Megan para makaupo ay ipinakilala na rin nya kami nina Megan at Tessa sa kaibigan,
"Mabuti at nakapunta kayo rito, Matt."
"Oo naman, hindi namin palalagpasin na makita ang bagong bukas na island resort. I must say, ang ganda nitong lugar. By the way," tumingin si Matt sa amin at ngumiti, "Nice to meet you all. I'm Matt, and this is Elle, my wife,". Nakangiti rin sa amin ang kanyang asawa.
Tumingin ito sa akin na hindi pinuputol ang ngiti, "Kate, nakwento ka na sa amin ni Caleb. Now I know bakit sobrang inspired ng kaibigan namin dahil sa 'yo," dagdag pa nito
Tumingin naman sa akin si Caleb habang nakangiti. Pinamulahan ako sa binanggit ni Matt. Ano kaya ang ikinwento sa kanila ni Caleb tungkol sa akin?
"Sayang at mukhang hindi makakapunta si Adam," ani Caleb. Mukhang isa rin ito sa kanilang kaibigan
"Abala pa 'yon sa babae nya," sabay tawa ni William. Natawa na lang din sina Caleb at Matt
Dumating na rin ang mga pagkain at habang nagsasalu salo ay abala rin sa usapan. Parang may sarili nang mundo sina William at Tessa sa kabilang side ng table. Samantalang si Megan ang namamangka sa usapan nila nina Caleb at Matt tungkol sa negosyo. Tahimik naman kaming nakikinig ni Elle sa kanilang mga usapan.
"Susunod ba ang boyfriend mo dito, Megan?" tanong ko
"Hindi na, Bes. Abala pa kasi sya sa kasong hinahawakan nya kaya baka magkita na lang kami ulit sa Manila," sagot nito.
Abogado ang boyfriend ni Megan. Ilang taon na rin silang magkasama. Sayang at hindi sya makasunod dito.
Nang matapos ang aming hapunan ay bumalik na rin kami sa kanya kanyang mga kwarto.
Pagkatapos maligo ay nagbasta na ako para matulog. Papalapit na ako sa kama nang mapansin si Caleb na tahimik na nagpapahangin sa balcony. Nilapitan ko ito at niyakap mula sa kanyang likod. Namalayan nito ang aking pagyakap at awtomatikong humarap sa akin at ikinulong ako sa kanyang mga bisig.
Ang sarap sa pakiramdam ng mainit nyang yakap, tinatalo nito ang malamig na simoy ng hangin. Nakasandal ang aking ulo sa kanyang dibdib. Tahimik lamang kaming dalawa at ang tanging naririnig ko ay ang malakas na t***k ng kanyang puso.
"Mukhang malalim ang iyong iniisip. May problema ba?" tanong ko
"Kate, magpakasal na kaya tayo," aniya na ikinagulat ko. I lifted my face to see him. Gusto kong makita kung nagbibiro ba sya, pero ang seryoso nyang mukha ang bumungad sa akin.
"Uh, hindi ba parang masyado pang maaga para magpakasal tayo?" sagot ko.
Tinignan nya ang aking mga mata at ngumiti. "Ikaw lang ang gusto kong makasama at isa pa, gusto ko nang magka-anak,"sabay kindat nito
"Loko!," sabay bahagyang hinampas ang kanyang dibdib. Ang lapad naman ng ngiti nito kaya kitang kita ang kanyang dimples. Hinigpitan nya ang hawak sa aking baywang at siniil ang aking labi ng malalim na halik.