CHAPTER 18

2240 Words
Byernes ngayon at halos lahat ng tao sa opisina ay excited na para sa long weekend. May dalawang holiday sa susunod na linggo kaya ang ilan ay nagfile na ng leave para sa buong linggo. Isa rin ako sa mga nagfile ng leave. Kailan lang ay nagyaya si Caleb para magbakasyon sa isang island resort ng kanyang kaibigan. Inimbitahan din namin sina Megan at Tessa at magkakasama kaming babyahe bukas. Ngayon pa lang din ako makakapag leave ng mahaba matapos ang ilang taon, kaya pumayag na rin ako sa anyaya ni Caleb. Bukod sa makapagpahinga ay naisip kong maganda rin na makapag bonding kaming dalawa kasama ang mga kaibigan sa labas ng lungsod. Pagkalabas ko sa aming building ay nakita ko na ang kotse ni Megan. Pumasok ako sa backseat at natagpuan si Megan na nasa driver's seat at sa katabing upuan naman si Tessa. "I'm so excited para bukas!," ani Megan "Nakapaghanda ka na ba ng mga gamit mo?," tanong ko "Oo naman! Hinanda ko na pati ang mga susuutin kong bikini, pati na rin yung ipapasuot ko sa 'yo," kasama ang nakakaloko nitong ngiti Nagpupumilit kasi itong si Megan na tumingin daw kami ng sexy swimsuit na susuutin ko sabay ng paghahanap namin ng para kay Tessa sa mall. Wala naman akong balak na tumingin ng para sa akin dahil meron pa naman akong magagamit at iyon ang balak kong dalhin para bukas. Simpleng bra top at boyleg ang aking planong isuot. Ngunit dahil mapilit itong si Megan ay nagkasundo kami na pahiramin nya ako ng isa sa mga swimsuit na hindi pa nya naisuot. Ang sabi naman nya ay wholesome kaya pumayag na rin ako. "Ikaw Tessa, excited ka na ba para bukas?" tanong ko "Oo, Ate Kate, salamat talaga sa pagsama nyo sa akin. First time kong mag beach vacation!" "Akong bahala sa 'yo Tessa at sa pagpili ng bikini mo. Mag-eenjoy tayo dun!" ani Megan "Sabihin mo lang Tessa if may kakailanganin ka," sabay ngiti ko rito "Thank you talaga mga Ate!" aniya. Matapos mamili sa mall ay kumain muna kaming tatlo sa isang restaurant. "So, kailan na ba ang kasal?" may halong ngiti ni Megan "Wala pa naman yan sa plano namin. At saka bago pa lang naman kami," sagot ko. "Bes, you're not getting any younger. Hindi ka pa ba sigurado sa kanya?" "Oo nga Ate Kate. Bagay na bagay pa naman kayong dalawa ni Kuya Caleb" dagdag pa ni Tessa. Hindi ko rin alam ang isasagot. Gusto ko si Caleb, at marahil, mas may nararamdaman ako para sa kanya kumpara sa nauna kong boyfriend. Pero, masasabi mo ba na mahal mo na kaagad ang isang tao kahit bago pa lang kayo? Mas gusto ko pa syang makilala. Paano kung pareho lang kaming nadadala sa kasalukuyan naming nararamdaman? At pagkatapos ay magsawa rin, katulad ng panlalamig ni Allan sa akin dati, at hiwalayan ulit ako? "Mas gusto ko pa syang makilala at mas gusto ko ring maging sigurado." ang tanging sagot ko "Well, I respect your opinion Bes. But sometimes, hindi lahat nadadaan sa utak Kate, minsan kailangan mong pakinggan kung ano ang talagang nasa puso mo." "Mga Ate, tama na yan, kumain na muna tayo at gutom na ako," ani Tessa. Natawa na lang kaming tatlo. Pagkauwi ay dumiretso na ako sa kwarto at pumunta sa banyo para maligo. Pagkaligo ay sinimulan ko nang iligpit ang mga babauning gamit. Nang makuntento ay itinabi ko ang aking bag sa couch. Nagbabasta na ako para matulog nang tumunog ang aking phone. Tumatawag si Caleb "Hello," ani ko "Baby..." his husky voice sent shivers to my body "Matulog ka na," tudyo ko habang nagpipigil ng ngiti I heard him chuckle on the line. "Gusto ko katabi kita," aniya "Bukas naman magkatabi tayo. Matulog ka na at maaga pa tayo bukas," I heard him groan. I bit my lip habang nagpipigil ng ngiti. "Kamusta ang girl bonding ninyo kanina?" "Okay naman. Namili kami ng mga gagamitin ni Tessa at sa mall na rin kami kumain," "I miss you damn much, Kate" Hindi ko na napigilang tumawa, "Kung maka miss ka naman akala mo hindi tayo nag uusap araw araw. Isa pa, magkatapat lang kaya tayo ng bahay". Hindi pa rin mawala ang aking ngiti "Hindi mo ba ako na-mimiss?" may halong tampo sa boses nya Kanina kasi ay hindi na ako nagpahatid sa kanya papasok ng opisina. Hindi rin kami nakapag usap nung break dahil sobrang busy din sa trabaho. Nung hapon naman ay nagtext ako sa kanya na h'wag na nya akong sunduin dahil may lakad kami ng dalawang kaibigan. "I miss you, Caleb. Kaya matulog ka na," natatawa kong sagot. "I love you, Kate. I miss you every second, every minute, every hour that I am away from you. Now that I found you, I won't let you go," Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi nya. Sa araw-araw ay pinaparamdam nya sa akin na mahalaga ako para sa kanya. Hindi ko man sabihin sa kanya ay nais kong palagi syang nasa tabi ko. Kinabukasan, maaga kaming gumayak para sa aming byahe. Pagkalabas namin ni Tessa sa gate, sumalubong kaagad sa akin ang malapad na ngiti ni Caleb Habang inaayos ni Tessa ang lock, lumapit ako kay Caleb at natatawang nagtanong, "Bakit ang lapad ng ngiti mo?" He grabbed my waist and pulled me nearer, "I'm excited. Sa wakas masosolo na ulit kita mamaya," Bahagya syang natawa nang siniko ko ang kanyang tyan. Nang matapos si Tessa ay lumapit din ito sa amin, "Hi Kuya Caleb!" "Hello Tessa! I'm sure mag-eenjoy ka sa mga activities sa isla," nakangiti nitong sabi at pinagbuksan ng pinto si Tessa para makapasok na sa backseat. Binuksan din ni Caleb ang pinto ng passenger seat at saka ako pumasok. Nang makapasok na rin sya ay nagsimula na kaming umalis. Dinaanan din namin si Megan sa kanyang bahay. Mahaba din ang byahe. Nag stop over kami sa isang fast food chain at nagtake out ng pagkain. Maingay pa sa loob ng sasakyan dahil sa kakulitan nina Megan at Tessa, ngunit tumahimik din kalaunan nang makatulog ang mga ito. Nanatili kaming gising ni Caleb. Nakatutok ang kanyang mga mata sa daan habang nagmamaneho. Ang isa nyang kamay ay nakahawak sa manibela samantalang hawak ng isa ang aking kamay. Kahit na gabi gabi ay nagtatawagan kami, marami pa rin kaming napag uusapan sa byahe. Tulad ng mga nangyari nitong nakaraang linggo, o kaya naman ay tungkol sa mga lugar na nadadaanan namin. Pataas ang daan na aming tinatahak nang makita ko na ang asul na dagat sa ibaba. Natatakpan ito ng mga puno na nadadaanan namin sa gilid ng daan, ngunit dito pa lang ay nakakabighani lalo na't tumatama ang sinag ng araw sa tubig kaya animo'y nagmimistulang mga kristal. Gising na ang aming mga kasama nang makarating na kami sa resort. Isang malaking puting hotel building ang sumalubong sa amin. Sa harapan nito ay isang malaking water fountain. Sa gilid naman nito ay napapaligiran ng mga palm trees na umaabot mula sa gate na aming pinasukan. Inihinto ni Caleb ang sasakyan sa tapat ng entrance ng building. May mga tao nang nakatayo at mistulang hinihintay ang aming pagdating. Pagkababa namin ay inalalayan kami ng hotel staff sa pagkuha ng aming gamit. "Salamat," bati ko sa isang hotel staff. Tumango naman ito at ngumiti. "Hey, Caleb!" isang mestizong lalaki ang bumati at tinapik si Caleb sa balikat. "William," nakangiting turan ni Caleb at kinamayan ang lalaki "By the way, hindi mo ba ako ipapakilala sa mga magagandang dilag?" sabay kindat sa aming tatlo. Hinawakan ni Caleb ang aking baywang at nilapit sa kanya, "William, this is Kate, my girlfriend. Kasama din namin ang aming mga kaibigan, sina Megan at Tessa," "Wow, nice to meet you all beautiful ladies," at isa isa kaming kinamayan. Sya siguro ang kaibigan na tinutukoy ni Caleb na may-ari nitong island resort. Ayon sa kanya, libre ang pagpapatuloy sa amin dito sa resort. "Salamat sa pagpapatuloy sa amin dito," ani ko "No problem, Kate! Basta si President, sino ba naman ako para hindi sumunod," sabay halakhak at tingin kay Caleb. Naguluhan ako sa sinabi ni William. Tumingin ako kay Caleb at nabasa yata nito na nagtataka ako. "Tara, pasok na tayo," aniya Sandali kong binalewala ang sinabi ni William at sumunod nang pumasok sa hotel building. Pagpasok ay napaka grandyoso ng loob. Sumalubong sa amin ang isang kristal na center table na may malaking bouquet ng sariwang bulaklak. Mayroon ding malaking chandelier na gawa sa kristal. Ang sahig naman ay gawa sa makintab na marmol. Sa isang parte ng lobby ay may mga couch para sa mga bisita. Sa kabilang banda naman ay ang bar/cafe area. Sinamahan kami ni William patungo sa front desk sa bandang dulo. Magagandang babae at lalaki ang sumalubong sa amin sa front desk. Dahil na rin kasama namin si William ay sobrang bilis ng check-in. Sumakay na kaming apat sa elevator. Sa 10th floor sina Megan at Tessa. Samantalang nagtataka ako dahil sa penthouse button ang pinindot ni Caleb. Excited ang dalawang babae sa kanilang kwentuhan kaya hindi siguro nila napansin. Bago lumabas ang dalawa ay inabot sa akin ni Tessa ang isang paperbag, "For you, isuot mo yan ah. See you later, lovebirds!" "See you later, Ate Tessa at Kuya Caleb!" Tumango naman kami ni Caleb at ngumiti sa kanila, "Kita na lang tayo mamaya sa hotel restaurant" Pagkasara ng elevator ay patuloy itong umakyat patungo sa penthouse "Bakit tayo sa penthouse?", tanong ko "Ayaw mo ba? Ipapabago ko kay William," sagot ni Caleb. "Hindi yon ang ibig kong sabihin, Caleb. Hindi ba parang masyadong galante ang kaibigan mo para sa penthouse pa tayo patuluyin, samantalang libre lang ang pagtuloy natin," Bahagyang syang tumawa sa aking sinabi. "Masyado talagang galante ang may-ari nito. Kaya naman ibinigay sa atin ni William ang penthouse," "Si William ba ang may-ari nitong hotel? Sino pala yung President sa tinutukoy nya, kaibigan mo din?" "Si William ang General Manager ng hotel. Yung President na sinabi nya, iyon ang may-ari nito" Nakarating na kami sa floor at bumukas ang pinto ng elevator. Bigla akong binuhat nito at kinikiliti ang aking baywang. Sa gulat ay napatili ako at hindi ko mapigilan ang halakhak. Pagkapasok sa pinto ay namangha ako sa itsura ng unit. Maaliwalas ang loob nito. Puti ang pintura ng buong unit, samantalang naglalaro ang kulay beige at wooden colors sa mga kagamitan. Bumungad sa amin ang maluwag na living room na mayroong sliding glass door papunta sa balcony kung saan kita ang magandang view ng dagat. Sa kabilang banda ay ang dining area at kitchen. Sa bandang kanan naman ay ang pinto papunta sa kwarto. Buhat buhat pa rin ako ni Caleb nang pumasok kami sa kwarto. Tulad sa living room ay napaka aliwalas din dito. Sa bandang nakaharap sa dagat ay glass din ang dingding na mayroong sliding door papunta sa sariling balcony. Inihiga ako ni Caleb sa malambot at puting kama. Agad akong siniil nito ng malalim na halik. Ang bawat hagod ng labi nya ay nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa akin at hindi ko maiwasang matupok sa init. Tinumbasan ko ang maiinit nyang halik. Puro impit na daing ang maririnig sa aming kwarto. His wet kisses traveled to my jaw and then to my neck. I tilted my head to give him better access. Nakaawang na ang aking labi habang pinapaulanan nya ako ng maiinit na halik. Kasabay nito ay ang pagtanggal nya ng butones ng aking suot hanggang sa lumabas ang aking dibdib. Ang isa nyang kamay ay ibinaba ang isang strap ng aking bra at tuluyan itong ibinaba hanggang sa tumambad ang aking dibdib. Nilamas ito ng kanyang kamay habang ang isa nyang kamay ay nakarating na pala sa gitna ng aking hita! Pinutol nya ang aming halik at ibinaba ang kanyang zipper at boxers. Tumambad ulit sa harapan ko ang matigas at nakatayo nitong alaga. Hinila na rin nya pababa ang aking panty at itinaas ang aking dress. Awtomatikong bumuka ang aking mga hita, na para bang hinihintay na lang syang pumasok. Yumuko ulit ito at pinaulanan ako ng halik. He brushed his c**k on my p***y in constant motion which earned my moan in between his kisses. Naghahalo ang nakakabaliw na sarap at ang pagkainip sa paghihintay sa kanyang pagpasok. Nasa kalagitnaan ng aming pag iinit ay nang marinig ko ang door bell. Napilitan kong idilat ang aking mga namimigat na mata, "Caleb, may tao..." Ngunit hindi ito tuminag. Isinubo naman nito ang aking dibdib. "Ah... Caleb, may tao sabi...Ah..." Patuloy ang pagtunog ng door bell. Caleb groaned out of frustration and got up the bed at inayos ang sarili. Agad ko rin inayos ang aking sarili at sinundan sya papunta sa living area. Nang buksan ni Caleb ang pinto ay bumungad sa amin ang butler na dala ang aming mga gamit pati na rin ang pagkain. "Magandang hapon po," bati nito "Salamat," ani Caleb at niluwagan ang pinto para makapasok ang butler. Nang matapos ay umalis na rin ito. Ngumiti ako rito at nagpasalamat. Tumango naman ito at nagpaalam na umalis. Agad na sinara ni Caleb ang pinto at lumapit sa akin. Nangingiti ako dahil alam ko na ang ibig sabihin ng kanyang mga tingin. "Kumain muna tayo," sabay talikod ko sa kanya at pumunta sa dining area. Sumunod ito at niyakap ako mula sa likod, "Okay, and then dessert tayo mamaya," he sexily chuckled and bit my shoulder.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD