Agad akong pumasok sa aking kwarto at nilock ang pinto. Umupo ako sa aking kama at humagulgol. Yakap yakap ko ang aking mga hita habang walang tigil ang pag iyak. Masakit na malamang niloko ako ni Caleb, ngunit mas masakit ang makipaghiwalay sa kanya. Mas masakit makitang nagmamakaawa sya, ngunit ikakasal na sya sa iba. Hindi ba't dapat magalit ako dahil sa pangloloko nya? Ngunit bakit parang hinahati ang aking puso sa pakikipaghiwalay. Kailan ba titigil ang aking pag iyak? Sa sobra sigurong pag iyak ay nakatulog na ako. Nagising ako sa pagdampi ng basang tuwalya sa aking mukha. Nang iminulat ko ang aking mga mata ay nadatnan ko si Tessa na nakaupo sa aking kama, "Megan?" Punung puno ng pag aalala ang kanyang mga mata, "Bes, kamusta?" Agad ko syang niyakap at tila may sariling buhay an

