Hawak hawak ng aking dalawang kamay ang inorder na hot chocolate. Tanging tunog lamang ng coffee shop ang maririnig sa sobrang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Uminom muna si Selena ng kanyang kape bago nagsimulang magsalita, "I've been wanting to talk to you about Caleb." Ang aking mga mata na nakatuon sa aking tasa ng tsokolate ay hindi naiwasang mapaangat ng tingin kay Selena. "Caleb and I are engaged. I am his fiancee," aniya Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kanyang sinabi Selena chuckled, "Sa susunod na buwan ang nakatakda naming kasal. When I saw you at the resort, I thought, Caleb might have got bored dahil matagal na kaming magkasama, or baka parte lang iyon ng paglalaro nya bago kami ikasal." "Whether he truly loves me or not, I don't care. In the world of t

