Chapter 14: Car Rental shoot
“IYONG lunch time mo lang ang hinihingi ko, Trixie o puwede rin na kahit sa dinner man lang ay makasalo kita. What do you think?” tanong nito sa kanya at naulit lang ang pagkagat niya sa lower lip niya na naibaling doon ng binata ang tingin. “No, Trixie. Don’t do that again,” mahinang suway nito sa kanya at bayolenteng napalunok pa.
“Uhm, why? Bakit iyon ang hiniling mo, Wade? Puwede namang iba, right?” hindi pa rin makapaniwalang tanong niya.
“Bakit? May magagalit ba kapag hinihingi ko ang free time mo, Trixie?” malungkot na sabi nito na agad niyang inilingan. Siyempre wala!
“Hindi sa ganoon, Wade. Wala, ’no. I’m single!” sabi niya pero napatutop lang siya sa kanyang bibig dahil naging tunog defensive ang pagkakasabi niya. Halatang na-excite siya na makita araw-araw ang binata.
Dahil na rin sa biglaan niyang pagsigaw ay napatingin pa sa kanya ang mga customer at nahihiyang humingi siya ng paumanhin sa mga ito. Mahinang humalakhak lamang si Wade dahil sa kanyang inasta.
Napagkasunduan na nga nila ang sabay kumain ng lunch and even dinner. Wala naman iyon para kay Trixie at saka para naman maiba. Palagi rin naman kasi na kasama niya ang staffs niya na kumain ng lunch at minsan pa ay dinner. Madalas ay mag-isa naman siya. Hindi naman siya nagsasawa na kasalo ang mga ito. Nakatutuwa nga dahil parang mga kaibigan niya lamang ang kanyang mga empleyado.
Kinabukasan din ay sabay-sabay na nagpunta sila sa car rental ng binata, kasama na nga ang mga staff niya. Nagulat pa ang mga ito dahil daw mabilis niyang napa-oo ang may-ari. Of course, nasabi niya sa loob-loob niya na malakas siya kay Wade Hansley Esquivias. Na isa pa naging kaibigan na rin niya ito.
Nawala na ang tampo at disappointment niya dahil nakabawi ito agad sa kanya. Parang lumalabas din na hindi siya kayang tiisin nito.
Laglag panga at awang na awang ang mga labi ng mga empleyado niya nang makarating sila sa kompanya ni Wade at nakita agad ng mga ito ang maraming mamahalin na sasakyan na nakaparada lamang sa labas. May naka-display rin sa loob.
“Ganito pala talaga kalaki ang car rental niya at ang daming kotse. Halatang mamahalin talaga,” sabi ng secretary niya.
“I wonder po kung paano ninyo kinausap si Mr. Esquivias,” sabi ng staff production niya. She shrugged her shoulder.
Hindi rin naman kasi lumalabas na binibenta niya lamang ang sarili niyang oras para lamang sumang-ayon sa kanya ang binata. Dahil halata naman na gusto talaga nito na makasama siya sa lunch at dinner. Wala namang masama pa dahil sinabi rin nito na gusto pa siyang makilala ng lubusan.
“Wait, siya ’yong matalik na kaibigan ni Mr. Esquivias. Si Mr. Railey Valeroso! Oh, my gee,” narinig niyang sabi pa nito.
Wala pa siyang alam tungkol kay Railey and to be honest ay hindi niya alam kung ano ba ang work nito at kung may sarili rin ba itong negosyo. But for sure na mayaman din ito.
“Oh, hi Ms. Trixie,” bati nito sa kanya na may kasama pang pagngiti.
“Hala, kakilala ninyo po pala, Ms. Trixie,” bulong nito sa kanya kaya pinanliitan niya ng mata ang mga ito para tumahimik na rin.
“Siya naman po ang owner ng oil company at kilala rin na mayaman iyan. Naku, pinapalibutan po talaga tayo ng mga taong successful na at isa ka na po roon, Ms. Trixie.”
“Behave,” mariin na suway niya at mabilis naman itong nanahimik. “Hello,” she greeted him back.
“Nasabi na sa akin ito ni Wade, Ms. Trixie. Kaya puwede ninyo nang simulan,” sabi nito at saka inilahad ang kamay sa paligid.
“Maraming salamat po talaga!”
“Sige na, start na tayo,” aniya at tumingin pa siya sa likod nito na agad naman siyang napansin ni Railey.
“Are you looking for my best friend, Ms. Trixie?” Nagulat pa siya sa biglaan nitong pagtanong at saka siya bumuntong-hininga.
“Uhm, oo,” sagot niya at napangisi naman ito.
“Hindi mo talaga itinaggi na siya ang hinahanap ng mga mata mo,” naiiling na saad nito.
“Kasi masama ang magsinungaling,” utas niya.
“Miss, ingatan mo ang puso ng kaibigan ko, ha? Wasak na wasak pa kasi ngayon. Kaya baka mahihirapan ka sa kanya pero mabuting tao si Wade.” Hindi na nagtaka pa si Trixie sa sinabi nito.
“Sige, gagawin ko. Alam kong...malaki nga ang problema na pasan-pasan niya ngayon. Dahil halata sa mukha niya. Wala lang siyang sinasabi sa akin dahil hindi pa kami gaano ka-close,” saad niya.
“Huwag mo sanang isipin na isa ka lamang rebound niya. Dahil hindi siya ang tipong lalaki na mananakit na lamang ng damdamin ng isang babae. Habaan mo sana ang pasensiya mo sa kanya,” sabi pa nito.
“Totoo bang heartbroken si Wade? Kitang-kitang iyon sa mga mata niya,” wika niya at bumuntong-hininga ito. Gusto niyang malaman ang nangyari sa binata para alam niya kung paano niya ito matutulungan.
“His long-time girlfriend broke up with him. They have been together for ten years,” he answered. Umawang ang labi niya sa gulat. Paano naman kaya niya matutulungan ang binata kung sampung taon pala ang naging relasyon nito sa ex-girlfriend? Parang wala siyang laban. Talo na yata siya, eh. “But he won’t just use you. Even when he left you at the café last time, he was guilty. Trust me, Ms. Trixie. Even if he still love his ex, I know he already has a strange feelings for you.”
“Hey, pinag-uusapan ninyo ba ako behind my back?” Siya namang pagdating ni Wade at malakas na tinapik nito ang likod ng kaibigan. Napangiti si Trixie at binalewala na lamang niya ang nalalaman niya.
Okay lang naman iyon sa kanya. Crush-crush lang naman ang mayroon siya para sa binata at wala naman siyang nararamdaman na gagamitin lamang siya nito.
“I believe it’s my coffee?” Mabilis na iniwas nito ang dalang coffee canned.
“Bro, wala naman akong sinabi na sa ’yo at ililibre kita nito. This is for Trixie,” sabi nito sabay kindat sa kanya. Hayan na naman ang nararamdaman niyang kilig.
“Dalawa iyan.”
“Sa akin naman ang isa,” saad nito at ibinigay na nga sa kanya ang isa.
“Grabe, may favoritism ka na, ah.”
“This is for my new friend, bro,” usal nito. “Good morning, Trixie.”
“G-Good morning,” nauutal na bati naman niya pabalik. Napatutop pa siya sa kanyang dibdib dahil sa lakas ng heartbeat niya.
***
Hindi nagtrabaho sa umagang iyon sina Wade at Railey dahil sabay nilang pinapanood ang pagtatrabaho ng mga taga-TSS. Nasa pintuan lamang sila at nakatayo, habang nakakrus ang magkabilang braso sa dibdib nila.
Naaaliw pa siya dahil nakikita niya ang pagiging strict ni Trixie. Ang ilang beses nitong paghilot sa sentido at ang pagsigaw nito kung hindi mabilis na nakukuha ng mga modelo nito ang tamang pose. Ganito pala talaga kapag na-s-stress ang dalaga pero cute pa rin sa paningin niya.
“Kakaiba talaga siya. Imagine, pinopormahan mo siya but look at her. Alam niya na nanood ka lang dito. Pero nagawa niyang sigaw-sigawan ang mga modelo niya,” naiiling na sabi ni Railey.
“Dahil siya iyan, eh. Iyan ang totoong siya, Railey. Walang halong kaplastikan,” nakangiting sabi niya.
Kapag sa trabaho ay simple lang ang outfit nito. Naka-white three-fourths shirt lamang ito at naka-tuck in sa suot nitong navy green cargo pants at itim na ankle boots. Ang kalahating buhok nito ay nakabungkos lang. Maganda pa rin talaga ito.
“Break muna tayo!” sigaw nito at napaupo na lamang sa swivel chair saka nito pinaikot-ikot.
“May paramdam na ba si Molly sa ’yo?”
“Wala na. Simula nang nakipaghiwalay siya sa akin,” sagot niya.
Sa katunayan ay medyo nakalimutan na niya iyon dahil mas nag-focus na yata ang isip niya kay Trixie. Wala na para sa kanya ang sakit na ibinigay sa kanya ang dati niyang nobya. Pero hindi naman niya masasabi na naka-move on na siya agad dahil wala pa namang isang buwan ang break-up nila.
Ngunit alam niya na malapit na siya sa point na iyon. Kaunting panahon na lamang Dahil nabigyan na siya ng lunas upang paunti-unti na mawawala ang sakit na dinulot sa kanya ng unang babaeng minahal niya.
“Lapitan mo na,” sabi sa kanya ni Railey at itinulak pa siya nito.
Kumuha siya ng malamig na drinks sa refrigerator niya bago siya lumapit sa dalaga. Napangiti pa sa kanya ang mga staff nito na mabilis din naman niyang ginantihan at halos malaglag ang panga ng mga ito nang nilapitan niya si Trixie.
Napahinto ito sa pag-ikot-ikot ng swivel chair nito na siya mismo ang nag-provide para sa dalaga para maging komportable ito habang nagtatrabaho.
“Pampawala ng stress, Miss,” sabi niya at napangiti ito. Binuksan niya muna ang soda saka niya inabot.
“Oh, thanks,” anito at tinanggap ang drinks na ibinigay niya. “Parang natuyo nga ang lalamunan ko sa kasisigaw ko kanina,” dagdag pang pahayag nito.
Naisuksok niya ang dalawang kamay niya sa bulsa ng kanyang pantalon at napatingin sa mga sapatos nito. Ang daming naka-display, iba’t ibang kulay at istilo pa.
“Mabuti at hindi talaga natatakot sa ’yo ang mga empleyado mo. Mukhang nasanay na sila sa boss nila,” tumatangong saad niya.
“Nasanay na kasi sila sa akin. Pasensiya ka na sa mga nakita mo, ha? Madali talaga akong ma-stress kapag hindi nila nakuha ang pose na gusto namin ng photographer, even the director. Nitong mga nakaraang araw ay okay naman talaga sila pero ewan ko ba. Siguro, distracted sila sa mga kotseng nakikita nila ngayon,” paliwanag nito na sinabayan pa nang pagtango.
“But don’t stress yourself too much, Trixie. Take a break,” aniya.
“Thank you.”