CHAPTER 3

1632 Words
Chapter 3: Another girl “MAAGA tayong uuwi ngayon, guys. Kaya ang mga work ninyo na hindi pa natatapos ngayon ay bukas na nating tapusin,” sabi ni Trixie sa mga tauhan niya na sinabayan pa niya nang palakpak upang makuha ang mga atensyon nito. “Yes po, Ms. Trixie.” “Salamat po!” Nginitian niya lamang ang mga ito saka siya nagtungo sa opisina niya. Nag-ayos ng sarili para na rin makaalis na. Kasi pupunta na nga siya sa bahay nila para bisitahin ang pinakamamahal niyang parents, na ang Mommy niya na nangungulit sa kanya. Itinabi niya ang lahat ng papel na nakakalat sa office table niya at muling ibinalik ang drawing book niya sa loob ng backpack niya. Ang mga hindi na kailangan pa ay ibinasura na rin niya. Madalas ay dinadala niya ito, kasi may mga pagkakataon na nakaiisip niya ng bagong sapatos. Naka-productive pa naman niya pagdating sa passion niya kaya marami talagang humahanga sa kanya. “Pero nag-iisa lang naman ako sa mundong ito. Lahat naman tayo ay ganoon,” sambit niya. “Ano po iyon, Ms. Trixie?” Nagulat naman siya nang biglang sumulpot ang kanyang secretary. “Ano ka ba, Joanna! Kumatok ka nga muna bago pumasok sa loob ng office ko! Ang batang ito talaga, oh! Bakit ka ba nanggugulat, ha?!” bulalas niya. Sa halip na matakot sa kanya ang secretarya niya dahil sa pagtaas ng boses niya ay mahinang natawa lamang ito. Sanay na sanay naman kasi talaga ito sa kanya, eh. “Eh, Ms. Trixie, kanina pa ho kaya ako kumatok pero ang lalim po yata kasi ang iniisip ninyo. Hindi ninyo man lang narinig. Uulitin ko po ba?” sabi nito sa kanya. Pinagtataasan niya ito ng kilay dahil ginawa nga ang gusto nitong mangyari. Ang kumatok sa pintuan. Talaga naman, oh. “What do you want?” tanong niya at isinukbit sa balikat niya ang itim na backpack niya. “Ipapasa ko lang po ang mga report, Ms. Trixie, kailangan ninyo po itong basahin agad. May mga demand po ang kabilang branch dahil pumatok po sa market ang mga sapatos na naging design ninyo this week lang,” paliwanag nito sa kanya na tinanguan niya. Maaasahan talaga ito sa trabaho. “Sige akin na. Ire-review ko na muna,” sabi naman niya rito at kinuha na niya ang hawak niyang folder. May kakapalan nga ito. Joanna Bardot, secretary niya ito at magkasing edad lamang sila. Isa sa mga tauhan niya na pinagkakatiwalaan niya at masipag magtrabaho. Hindi lang iyon, matalino rin ito kaya natatakot talaga siya na mawala pa ito sa kanya. Kasi alam niyang hindi na siya makahahanap pa ng bagong secretary na katulad nito. Nag-iisa rin naman talaga ito sa mundo. Lahat tayo ay walang katulad. “Uuwi na rin po kayo? Bago po iyan, Ms. Trixie, ah. May date po ba kayo today?” curious nitong tanong. Uuwi lang nang maaga ay may ka-date agad? Hindi ba puwedeng gusto niya lang umuwi ng early kasi bibisitahin niya ang Mommy at Daddy niya? Slight lang naman ang pagiging strict niya pero madalas ay nag-o-overtime sila sa kompanya nila, iba naman iyon sa mga sinasahod nito at mas nauuna ang mga staff niya na umuuwi bago siya. Kasi may inaasikaso pa siya ng mga papeles at dapat malinis ang office table siya bago umuwi. “Gusto mo bang mag-overtime tayo, Secretary Bardot?” nakataas ang kilay na tanong niya rito at mariin nito naitikom ang bibig. “Ay, hindi po. Sige, Ms. Trixie, mauuna na po ako!” sabi nito saka lumabas mula sa opisina niya. Napapailing na lamang siya sa huli at saka nagpasyang umalis na sa building niya. May kalayuan ang working place niya sa subdivision na tinutuluyan ng parents niya. May sarili kasi siyang condo at talagang doon lang siya natutulog. Bihira siya kung umuwi sa mansion nila. Nandoon naman kasi ang nag-iisa niyang nakababatang kapatid na si Lixia. College student pa lamang ito. Ka-close naman niya at minsan nga ay humihingi pa sa kanya ng allowance kahit na ang laki na nga ng allowance na ibinibigay ng Daddy nila. Kailangan pati siya ay mayroon para maging fair daw siya. Hindi naman siya kuripot at madamot sa kapatid. Ibinibigay naman niya ang mga gusto nito. Pinapangaralan niya lamang na huwag masyadong maging spoiled brat na anak at kapatid dahil isang sakit daw iyon para sa kanya Trixie. Gusto niyang maging independent din ang kapatid niya para matutuhan nito kung paano mabuhay ng mag-isa lang at walang hinihingi na kahit anong tulong mula sa parents nila, especially financial. Dapat maaga pa lang ay may alam na ito tungkol sa bagay na iyon. “Makauwi na nga rin. Panay message na sa akin si Mommy,” sabi niya habang nakatutok ang atensyon niya sa screen ng cellphone niya. Napanguso siya dahil sa nababasa niyang mensahe mula sa kanyang ina. Kung nasaan na ba raw siya or kung nasa daan na ba raw siya. Malapit na ba o kung ano-ano pa. Pero ang mas ikinangiti niya ay ang pagpapaalala nito sa kanya na mag-iingat siya sa pagda-drive ng kotse niya. “Okay po, Mommy. I’m on my way na po,” sabi niya at nagtipa na siya sa keyboard niya ng reply para sa kanyang ina. Bago siya aalis ay dadaan muna siya sa paborito nitong bakery. Madalas ay may dala siyang paboritong pandesal nito na may tuna. Iyon ang pasalubong niya para sa parents niya. Sumakay siya sa kotse niya at nagsimulang nagmaniobra. Pero sa condo muna siya pupunta para makapagpalit ng damit. *** Sa kabilang banda naman ay panay ang pagsipat ni Wade sa relo niyang pambisig dahil kanina pa niya hinihintay ang girlfriend niya. Nauna na kasi siya sa restaurant. Mahigit isang oras na rin siyang naghihintay para rito ngunit hindi pa dumarating si Molly. Wala naman itong sinabi na mahuhuli ang dating nito. Bagamat mahaba pa naman ang kanyang pasensiya kaya naghintay pa rin siya sa pagdating nito. Hindi naman kasi ito ang unang beses na nali-late ito sa ganitong pagkakataon. Maliban na lamang kung sabay silang lalabas at magtutungo sa isang lugar na gusto nilang puntahan. Mabilis naman siyang nakatayo at ang akala niya ay ang girlfriend na niya ang dumating pero ang matalik na kaibigan lang pala niya na si Railey. Suot nito ang uniporme niyang pang-chef. Wala nga lang itong sumbrero sa ulo pero may suot na apron. Bagay na bagay rito ang kasuotan ng profession nito. Kasal na rin ito at dalawa na ang anak. Siya pa nga ang naging ninong. “Masyado ka talagang excited. Akala mo ay siya na ang dumating kaya may patayo-tayo ka pang nalalaman?” nakangising sabi nito at napakamot na lamang siya sa batok niya saka siya umupo ulit. May sariling VIP room ang restaurant nito at nasa second floor nakalagay. Sulit na sulit naman ang magpapa-reserve niya dahil masasarap ang mga pagkain na sini-serve sa restaurant nito. “Of course, pero kabado rin naman ako, eh. At saka isa rin ito sa pangarap ko. Ang tuluyang matali sa kanya,” sabi niya at umupo naman ito sa kabilang table. Pinagkrus pa nito ang mga braso nito sa dibdib. “Basta ba magiging masaya ka sa buhay ninyong mag-asawa. May tiwala rin naman ako kay Molly, Wade. Pero dahil na rin sa mga ikinuwento sa akin ng asawa ko ay nabawasan iyon nang kaunti. Ang nasa puso lang daw ng best friend niya ay ang career nito, kung paano ito mas gaganda lalo. Para sa akin ay wala na talaga siyang mahihiling pa. Maganda na ang career niya, kilala siya at sikat dito,” mahabang saad nito. “Alam ko iyon, Railey.” “Secure na rin ang future niya sa ’yo. Kayang-kaya mo siyang buhayin without her career. Puwede na nga siya na mag-stay na lang sa magiging bahay ninyo at bigyan ng anak,” sabi pa nito at natawa siya. “Gusto ko rin iyon. Gusto ko ang idea na magkakaanak kami pero hindi pa siya handa, eh,” pagdadahilan niya. Talagang gusto niyang magkaanak sila ni Molly. “Huwag mong sabihin sa loob ng mahigit sampung taon na relasyon ninyo ay walang nangyayari sa inyo?” gulat na tanong nito. Napahalakhak naman siya ulit. “Mayroon, active kami sa bagay na iyan pero gumagamit kami ng proteksyon kasi ayaw pa raw niyang magkaanak kami. Kasi kung nagkataon iyon ay tapos na ang career niya. Ayoko naman na matali siya sa isang bagay na hindi naman nya gusto, bro. Kaya nirerespeto ko talaga ang mga desisyon niya,” aniya. “Talagang ikaw na ang tipong lalaki na puwede ng makasama habangbuhay. Masyado kang mabait at maalalahanin. Sana naman ay may ibang babae pa rin diyan na katulad mo kung magmahal,” pagbibiro nito sa kanya. “Imposible na ang bagay na iyan, Railey. Siya na lang talaga ang nasa puso ko,” saad niya at sabay tapik-tapik sa dibdib niya. “Paano kung pagkatapos ng gabing ito ay may makilala ka na isang babae? Iyong sa unang tingin mo pa lang ay siya na talaga ang para sa iyo?” seryosong tanong nito. Aminado siyang kinabahan siya sa hindi niya malaman na dahilan. Kasi bakit naman siya kakabahan sa gabing nito? Ano naman kung may makilala siya na isang babae? Alam naman niya na wala na siyang ibang babae na gugustuhin pa, maliban kay Molly. Oo, puro Molly talaga siya. “Bro, imposible na nga iyan. Si Molly lang dapat titibok ito,” sagot niya at muli niyang itinuro ang dibdib niya kung saan ang kanyang puso. “Just what if nga? Na parang si Molly lang noong una mo siyang nakilala?” Nahulog tuloy siya sa malalim na pag-iisip. Hindi niya alam kung mangyayari iyon o ano pero... Kinakabahan siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD