CHAPTER 11

1358 Words
Chapter 11: His Doubt “HETO ang mga dapat ninyong pirmahan. Pero ang iba rin kasi ay matagal ang proseso para madala agad ang kotse,” paliwanag ni Wade habang inisa-isa ang ilabas ang mga papeles at binigyan pa niya ito ng sign pen. Nakangiting kinuha ni Trixie ang form para fill-up-an at binasa niya ito nang masinsinan. Pagkatapos ay pinirmahan niya rin ito. “Hindi naman kami nagmamadali talaga. Basta ang importante ay makuha namin ang Ferrari at Toyota,” sabi niya rito. “Makukuha ninyo naman ngayon. Magbibigay lang kayo ng address para kami mismo ang maghahatid,” sabi pa nito. Na tinanguan ni Trixie. Magandang idea na nga iyon. “Legit ba ’yong pagbibigay mo sa amin ng discount?” biro niya sa binata at natawa ito. Half-true and half-joke naman kasi iyon. Saka ito rin naman ang nag-offer na bibigyan sila ng discount. “Ate naman, nakahihiya,” bulong sa kanya ng kapatid niya. “Ganito naman dapat, may tawad ’di ba?” Kahit si Railey ay hindi na rin napigilan pa ang matawa. Parang hindi pa nga ito naniniwala na masungit ang dalaga, ayon sa kuwento sa kanya ng kaibigan niya, dahil may sense of humour ito. Ibang-iba nga ang pag-uugali nito sa ex-girlfriend ni Wade. Mahinhin man ang isang iyon pero napaka-unique naman ang isa. “Yes, hindi ko naman binabawi ang sinabi ko kanina. May isang salita ako, Miss,” saad ni Wade. Tila mapupunit na talaga ang mga labi ni Trixie sa lapad ng ngiti niya. “Salamat naman,” sabi pa niya. Hiyang-hiya naman sa tabi niya ang nakababatang kapatid niya at panay iling na sa kanya. “Puwede na po ba naming dalhin ngayon?” tanong ni Lixia. “Oo. Railey, pakibigay mo na ang susi sa kanila.” Siya sana ang kukuha ng susi pero mabilis na inagaw iyon ng kapatid niya at ang ibinigay lang nito ay ang susi ng Toyota. “Okay na ako sa napili ko, Ate. Alam kong dream car mo ’yong white Ferrari. Kaya sa ’yo na lang din iyon. Ate Trixie, mauna na po ako, ah?” “W-Wait lang, Lixia!” sigaw niya at napatayo pa siya para talaga pigilan ito. Huminto naman ito ng nasa pintuan na. Nakangiting binalingan siya nito. “Ate, hindi na po ako pagbabawalan pa ni Dad na mag-drive ng mag-isa and besides mukhang may mahaba-haba pa po ang usapan ninyo. Mauna na po ako, Ate ha?” “Lixia!” “Don’t worry about me, Ate Trixie. I’ll be fine po.” “Fine. Be careful, okay?” paalala niya rito at napatango saka tuluyang lumabas. Nakangiting binalingan naman niya ang dalawa lalaking nakaupo sa harapan niya. “Sorry about that. Excited lang talaga siya kasi first time niyang magkaroon ng bagong kotse,” sabi niya na sabay pang inilingan ng dalawa. “Uhm, bro. Sige, ah. I’ll go ahead na rin. Remember our deal. Ms. Trixie, nice meeting you again,” paalam naman ni Railey sa kanila. “Okay,” sabi niya rito. Paglabas nga ni Railey ay ilang minutong naghari ang katahimikan sa pagitan nila hanggang sa binasag na lang ni Wade ang katahimikang iyon dahil nagiging awkward na ang paligid. “Uhm, it’s okay if I treat you a coffee?” pag-aaya ni Wade kay Trixie. Kinakabahan pa siya dahil baka ma-reject siya ng dalaga. Kanina pa nga malakas ang kabog sa dibdib niya. “If you’re not busy. Pambawi ko sa pandesal na ibinigay mo,” he added. Nakita pa niya ang pagkagat nito sa pang-ibabang labi kaya ang mapupulang labi nito ay mas lalong namula. ‘I wonder what her lips taste like? I was tempted to kiss her red lips.’ Pinilig ni Wade ang ulo niya dahil sa naiisip niya. Bakit kaya ganito ang nararamdaman niya? Pakiramdam niya tuloy ay hindi na siya normal at parang may ibang espiritu na ang sumapi sa katawan niya. Tanging si Molly lang naman talaga ang pinagpapantasyahan niyang halikan dahil naaalala niya ang mainit nilang tagpuan pero dahil nakilala niya si Trixie ay nagbago na lang bigla. Hindi niya maiwasang isipin na paano kung ito ang kasama niya sa kama at tanging kumot lang ang nakabalot sa hubad nitong katawan habang paulit-ulit niya itong inaangkin at inuungol ang pangalan niya? ‘Ahhhh, Wade...’ God... “Hmm, yes. Hindi naman ako busy ngayon, eh. Natapos na ang mga designs ko,” sabi nito. Napaayos siya mula sa kanyang pagkakaupo at napainom siya ng tubig dahil sa nararamdaman na init. Napatiim bagang siya dahil nagsimula nang sumikip ang pantalon niya. “God, ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit ganito ang nararamdaman ko kapag kasama ko na siya at nakikita?” tanong niya sa kanyang sarili. “Are you okay, Wade? Bakit namumula ka na at pinagpapawisan?” worried na tanong nito at mas lalo lang nalambot ang mga tuhod niya at bumilis ang heartbeat niya dahil lang sa paghawak nito sa pisngi niya. “Uhm, let’s go?” pag-aaya niya rito. Hindi magandang idea na pinagnanasaan niya ang dalaga. *** Sa isang Bitter & Better Café ang napili nila para lang magkape. Nakapag-order na rin silang dalawa. Hindi naman masyadong nakaiilang dahil marami na silang kasama. Maraming customer sa loob ng café at maganda ang ambiance nito. “You mean, ikaw ang CEO ng Trixie’s Sexy Shoes?” gulat na tanong naman sa kanya ni Wade nang magtanong ito about her work kaya sinabi niya ang totoong career niya. Sumimsim muna siya ng iced tea bago siya sumagot sa binata. “Yeah. Hindi naman talaga ako busy kasi marami akong nagagawang designs everyday. I have my staffs kaya hindi talaga mahirap ang work ko,” sabi niya. “Alam mo ba ang company ko?” curious niyang tanong dahil medyo nagulat ito sa nalaman na siya ang owner and CEO ng TSS. “My youngest sister, even my Mom and my friends. Favorite nila ang mga gawa mo kahit alam nila na mahal nga ang presyo,” sabi nito. “Wew, nakakikilig naman iyan. Suki namin yata ang sister mo at ang Mommy mo. Pati na ang mga kaibigan mo.” “Well, maganda rin naman talaga. You’re one of the talented in this world,” sabi nito at napatingin pa sa kabilang direksyon. Nanliliit ang mga mata nito sa nakita at nagtaka naman siya sa naging reaksyon nito. “You okay?” she asked her at sinundan niya ito nang tingin. “Ikaw ba ang lumabas kanina sa TV? Commercial about uhm... Beauty products?” “Ah, yes. Hindi ko ba nasabi sa ’yo na isa rin akong modelo?” Sa puntong iyon ay natigilan na si Wade sa nalaman na isa rin itong modelo. Meaning may mga contract din ito at alam niya na napaka-hectic ng mga schedule nito, isama mo pa ang pagiging CEO nito sa sariling kompanya. Kung ipagpapatuloy niya ang kakaibang nararamdaman niya ngayon ay matutulad lang siya sa nangyari sa kanila ni Molly. Alam niyang katulad nito ay iiwan din siya at mas pipiliin lang nito ang career nito mismo kaysa sa kanya. At saka... Wala naman siyang balak na magmahal pa ng ibang babae. Sadyang na-curious lamang siya na nararamdaman niya ngayon. “Wade?” untag nito sa kanya dahil sa pananahimik niya bigla. Sinipat niya ang relong pambisig at napatayo kaya mas naguguluhan na sa kanya si Trixie. “I’m sorry, Trixie. May naka-schedule pala ako ngayon, a meeting. Puwede bang mauna na ako?” tanong niya at doon na napatayo ang dalaga. “Sige. Okay lang naman.” Nginitian niya si Trixie at saka siya naglakad palayo roon. Nakaramdam pa siya ng mariin na kirot sa kanyang dibdib dahil iniwan niya lamang iyon. “Hindi ka dapat umasa sa kanya, Wade. Kahit na...nagagawa niyang ayusin ang nadudurog mong puso. Puwede rin siya ang maging sanhi ng pasakit mo sa pag-ibig. Hindi magandang magkikita pa ulit kayo,” paalala niya sa sarili niya. Napatingin naman siya sa screen ng cellphone niya nang makita niyang umiilaw ito at nakatanggap siya ng mensahe mula kay Molly. Nasa ibang bansa na nga ito at nagpaalam na sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD