CHAPTER 12

1280 Words
Chapter 12: Disappointed HINDI lubos maisip ni Trixie kung bakit biglang nagkaganoon na lamang si Wade. Nag-uusap pa nga sila at nararamdaman niya na masaya naman ito habang nakikipagkuwentuhan sa kanya. Parang magkaibigan nga silang dalawa dahil hindi na sila naiilang pa sa isa’t isa pero bigla na lamang itong nagpaalam sa kanya na may meeting pa raw. Kung alam naman nito na busy pala ay bakit pa kaya siya inimbitahan na magkape sa labas? Na ngayon nga ay iiwan na lamang siya na ang trabaho lang nito ang naging dahilan? Parang nawalan na ng gana si Trixie na ubusin ang iced tea niya at ang kinakain niyang banana cake kaya naman ay nagpasya na siyang umalis sa café na iyon. Isang linggo rin ang nakalipas at hindi man lang nawala sa isip ni Trixie si Wade. Kahit hanggang sa pagtulog niya ay ito pa rin ang napanaginipan niya. Bago iyon sa kanya. Kaya sa tuwing nagigising siya kinaumagahan ay napapanguso siya pero sa huli ay naiiling siya sa kanyang sarili. Parang may inspiration na nga siya para magising nang mas maaga. “Mukhang ito na ang unang beses na magkakaroon ako ng crush sa edad kong ito,” naiiling na saad pa niya. Inaamin na niya ang tungkol sa bagay na iyon. Na may crush na nga siya kay Wade Hansley Esquivias. Kaya ganoon na lamang siya kung naaalala niya ito. Lalo na sa waiting shed na iyon. Kung saan una niyang nasaksihan ang pagiging gentleman nito. Trixie Garcia-Esquivias, bagay, bagay nga. Muntik na siyang mapaso sa iniinom niyang kape dahil kung saan-saan nang napadpad ang isip niya. *** When Trixie parked her new car ay nakita pa niya ang mga staff niya na nakahinto lang din doon na parang hinihintay lang nila na makababa ang kanilang CEO. “Hi,” she greeted them at inirapan pa niya ang mga ito nang halos malaglag na ang panga nila sa gulat. “Ms. Trixie? Kayo po ba ang may-ari ng sasakyan na ’yan?” tanong nila sa kanilang boss kahit halatang ito na nga ang nagmamay-ari ng kotseng ito. “Nakita ninyo na nga ako, eh. Maganda, ’no?” tanong niya at hinawakan pa niya ang hood ng kanyang sasakyan. “Ms. Trixie, puwede po bang pa-picture?” “Sa akin?” mabilis na tanong niya pero inilingan ito ng lahat. Alam naman kasi niya na hindi sa kanya magpapa-picture ang kanyang mga empleyado. “Hindi po, sa bagong kotse mo. Worth of 19.3M po ito, hindi ba, Ms. Trixie?” tanong ng secretary niya na tinanguan naman niya. “Limited edition pa ito at nabili ko lang sa Esquivias Car Rental. Ang owner mismo ng company na iyon ang nakausap ko,” pagbibida pa niya. Hindi naman siya mayabang, ha. Sadyang nagandahan lang naman siya sa kotseng ito at dream car niya rin naman. Kaya hayon nga hindi siya nagdalawang isip na bumili and besides may discount naman siya na nakuha mula kay Mr. Esquivias. Kahit lumalabas na collection na nga ito ng binata pero pinagbigyan pa rin naman siya. “Si Wade Hansley Esquivias po ba iyon, Ms. Trixie?” Napahinto naman siya dahil bakit kilala ng mga ito ang may-ari ng car rental? Siya lang talaga ang walang kaalam-alam dito. “Kilala ninyo siya?” nagtatakang tanong niya na sabay-sabay pa itong napatango bilang tugon. “Isa ba siyang modelo kaya kilala ninyo si Wade? Alam ko na puro modelo lang naman ang madalas ninyong nakilala. So?” Pinagtaasan pa niya ng kilay ang mga staff niya. “Kung puwede lang po na maging modelo siya, Ms. Trixie ay baka hakot niya ang lahat ng awards,” sabi ng secretary niya. She rolled her eyes. “How did you know him?” she asked them. “Hay naku, Ms. Trixie. Napaghahalataan po na hindi kayo nagbabasa ng magazine na mula pa sa Someday company. Isa na po siya sa na feature as one of the top richest bachelor in Asia, dahil na rin po sa mga in-import nilang sasakyan sa ibang bansa at kilala rin na siya na nagmula sa mayamang angkan ng Esquivias. The heir of Esquivias pero ang sabi-sabi po ng karamihan ay taken na raw si Mr. Wade dahil sa suot nitong singsing. Baka nga raw po ay matagal ng kasal.” Singsing? Pero wala naman akong napansin na may suot siyang singsing, ah. Pero taken na at posibleng kasal na rin? Paanong hindi ko napansin ang mga iyon? At saka isa pa...mukha pa siyang heartbroken nang una ko siyang nakita, ’no? “Tara na nga. Mamaya na kayong makipag-picture sa car ko,” aniya pero hindi sumunod ang mga ito. “Please naman po, Ms. Trixie! Ngayon lang po! Para lang po sa IG namin!” pagmamakaawa ng mga ito. Humugot siya nang malalim na hininga. “Sige na nga! Ito ang key.” Hinagis pa niya ang susi ng kotse niya saka iyon sinalo ng mga empleyado niya at pumasok na siya sa loob ng kompanya niya. Maganda na ang mood ni Trixie habang pinapanood niya ang pagrampa ng sarili niyang model na si Solace, dahil hindi na ito katulad pa ng isang araw na nawalan ito nang balanse. Maayos na nga ang trabaho nito. “Ano ang next sitting natin? Dito pa rin ba sa studio, secretary Bardot?” tanong niya. “Ang director po ang pipili, Ms. Trixie,” magalang na sagot nito sa kanya. Kaya naman sinulyapan niya ang director nila. “May imo-modelo rin si Solace na wedding gown, Ms. Trixie kaya baka maganda kung sa iisang setting na rin.” “Tama, may bagong design tayo na wedding shoes. Sa tingin ninyo ay ano ang magandang background?” “Isang sasakyan po,” sagot ng director sa kanya. Napatango siya at pinaglalaruan na niya ang gilid ng mga labi niya. Naisip na naman niya kasi si Wade. Mukhang maaalala na niya ito ano mang oras kapag pinag-uusapan na ang sasakyan. “Mas maganda rin po kung nasa car rental tayo para marami ang makikitang background, na hindi lang isa.” “Kung ganoon nga. I suggest the Esquivias Car Rental. Set an appointment sa CEO nila para makausap natin or his secretary mismo, Secretary Bardot,” sabi niya at tumulis pa ang labi nito. Pinanliitan niya ito ng mga mata niya. “Oh, anong klaseng tingin naman ’yan?!” sigaw niya at napatakip lang ito sa bibig. “Wala po, Ms. Trixie. Sige na po, I’ll contact them.” *** Nang nasa opisina na siya ay may kumatok naman sa pintuan niya kaya naman nag-angat siya nang tingin dito. “Come in.” Pumasok sa loob ang secretary niya. “May update na ba?” agaran na tanong niya rito. “Na-contact ko na po ang taga-Esquivias, Ms. Trixie. Ang secretary po mismo ng CEO ang nakausap ko at kayo raw po ang gustong makausap nito in person,” pahayag nito sa kanya. Hindi niya tuloy maiwasan ang last meeting nila ni Wade Esquivias. Ang biglaan nitong pang-iiwan sa kanya sa café dahil daw marami pang gagawin nang araw na iyon. “Hindi ba puwedeng ikaw na lang, Secretary Bardot?” Inaamin ni Trixie na nagtatampo siya sa ginawa ng binata. Kahit na hindi naman sila magkaibigan at malapit sa isa’t isa ay talaga namang sumama ang kanyang loob sa ginagawa nitong pang-iiwan sa kanya. Iginalaw pa niya ang kanyang binti at nag-isip muna sandali. Ngunit kalaunan ay tumango na lamang siya. “Oh, sige. Saan daw kami puwedeng magkita?” she asked her. “Sa Bitter & Better Café po, Ms. Trixie,” sagot nito sa kanya at napahinga siya nang malalim. Same setting pa. Tsk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD