TWENTY-FIVE HINDI NA maipinta ang mukha ni Dana habang nakatayo sa entrada ng resort. Nasa tabi siya ng malaking signboard na may nakalagay na Precious Paradise Resort na ang design ay puno ng niyog sa tabi at iba't ibang klase ng bulaklak. Lively at maganda sa mata ang design no'n kaya siguro maraming naa-attract na turista ang resort nila. Pero sa pagkakataong 'yon ay hindi tumalab sa kanya ang ganda no'n dahil kanina pa siya may hinihintay at malapit na siyang tubuan ng ugat. Galing pa siyang San Pablo at doon na siya nagpasiyang hintayin si Theo. Hindi na rin siya nagpakita pa kay Rasha dahil ayaw niyang usisain siya nito kung ano ang meron sa kanila ng binata. Gano'n din kaya hindi siya sa bahay nila nagpasundo dahil ayaw niyang ipaalam sa mga magulang na magpapanggap siyang nobya

