TWENTY-FOUR "WHAT ARE you doing here, Mama? Bakit hindi po kayo nagsu-swimming? Tingnan niyo si Papa o, tuwang-tuwa sa tubig," untag niya sa ina at umupo sa tabi nito sa lounge chairs. Nakatingin ito sa mga kapatid niya na nasa swimming pool. Hindi na siya nakasabay sa almusal kaninang umaga dahil nakatanggap siya ng tawag galing kay Dana. Nagkaroon ng problema sa supplier nila sa restaurant at siya ang kailangang makipag-usap. Nang kamustahin naman niya ang mga magulang ay nagsabi ang Papa niya na gusto nitong mag-swimming kaya alam niyang naroon ang mga ito. At nang matapos nga siya sa ginagawa ay doon na siya dumiretso. "It's too early. I'm not in the mood to swim," saad nito. Tumango siya kahit na hindi naman ito nakatingin at hindi na rin siya umimik. Pinanood niya na lang ang mg

