For The Better

1454 Words

THIRTY-FIVE "SIGURADO ka na ba sa desisyon mo?" Tanong ng Mama ni Rasha habang tinutulungan siya nito sa pagtutupi ng damit at paglalagay sa suitcase. "Sa ngayon ito lang ang solusyon na naiisip ko, Ma. Kapag kasama niyo si Miggy sa States hindi ako mag-aalala na baka kunin siya ni Ian dahil alam kong safe siya sa inyo," saad niya na hindi sinusulyapan ang ina. Bukas ay babalik na sa L.A ang mga magulang niya at naisip niyang pasamahin na si Miggy sa mga ito para mailayo ito kay Ian. Masakit man sa kanya na malalayo sa kanya ang anak iniisip niya na lang na 'yon ang makabubuti. "Pwede kang sumama na lang sa'min para makasama mo ang anak mo at para na rin sa safety mo," suhestiyon nito. "Hindi pwede, Ma. Lumalaki na ang resort at kailangan kong i-monitor 'to. 'Wag kayong mag-alala kaya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD