“Oras ng trabaho, Maricon. At ayoko na nauubos ang oras ng mga empleyado sa pagku-kwentuhan lang.” striktong sagot nito. Pinili niyang hindi na umimik at ipagpatuloy na lang ang kanyang ginagawa. Nag-angat lang siya ng mukha ng muli itong magsalita. “Sa susunod kapag inutusan kita at hindi mo alam kung paano gawin ang mga ipapagawa ko, ask me first hindi yung kung kani-kanino ka humihingi ng tulong.” dagdag pa ng binata habang hindi maipinta ang mukha. Hindi niya na pigilan ang pagtaas ng kanyang kilay. Seryoso ba ito? Pababalikin pa siya sa itaas para lang magpaturo dito kung sakali. “Okay po, Sir.” pigil ang inis na sagot niya rito. “Good.” balewala na sagot nito na sinabayan pa nito ng matamis na ngiti dahilan para lalo siyang mainis Nang makita ng lalaki ang seryoso niyang mukha

