"Maricon, I need a copy of this." Maya-maya ay utos nito, na habang may ngiti sa mga labi. Hindi niya mapagtanto kung nagbibiro lang ba ito o kung seryoso. Nang tingnan niya ang mga papeles na itinuro nito ay nakita niyang may kakapalan iyon, kung hindi siya pagkakamali ay nasa tatlumpu ang lahat ng iyon. Hindi na siya umimik at tahimik na kinuha ang mga dokumento sa table ng binata. "E photocopy mo ng Tig-anim na piraso bawat Isa." Muling saad nito ng magsimula na silang maglakad. "Sige po, Sir." Aniya, saka lumabas ng opisina nito. Nang makalabas na siya ay tinungo na niya ang elevator na para sa mga employee, hindi na niya ginamit ang private lift ng lalaki dahil hindi naman niya ito kasama. Agad siyang lumabas ng marinig ang tunog na 'ting' ng elevator hudyat na sinapit na niya an

