“Oo naman, madalas na wala si dad sa bahay namin, atsaka kaya ako nag-aral magluto ay para ipagluto ko siya sa tuwing nasa bahay siya.” pagku-kwento niya rito.
“Perfect ang lasa ng luto mo, pwede ka ng mag-asawa.” nakangiting wika nito.
Nakaramdam naman siya ng pag-iinit ng kanyang mukha dahil sa huling sinabi ng lalaki.
Matapos nilang kumain ay ang binata na ang nag presentang maghugas ng kanilang mga pinagkainan. Siya naman ay pumasok na sa kanyang silid para magpahinga.
Minsan naiisip niya ang maaaring isipin ng kanyang ama, kapag nalaman nito na nakikitira siya sa condo ng lalaki at may kasama pang lalaki sa isang bubong.
Siguradong magagalit ito sa kanya ng sobra, dahil bukod sa conservative ito ay overprotective din pag dating sa kanya, dahil nag-iisa lang siya nitong anak. Natatakot din siya na baka pati ang binata na tumulong sa kanya ay idamay ng kanyang ama sa galit nito. Kaya balak niyang pag nakaipon na siya ng pera ay aalis na siya sa poder ni Ged, bago pa malaman ng kanyang ama kung nasaan siya.
Kinabukasan kagaya ng dati sabay pumasok sa opisina ang dalawa.
"Good morning! Sir." Nakangiting bati ni Beatrice.
"Morning." Matipid at seryoso na sagot naman
ng lalaki.
"Ah, Sir. Remind ko lang po ang meeting niyo with board members ng Nine o'clock." Magalang na pahayag ng babae.
"Okay, paki ready ang reports at ang mga kakailanganin ko mamaya." Maotoridad na sabi ni Ged.
"Ah-eh, Sir. Hindi ko pa po kasi natatapos gawin ang report na pinapagawa niyo kahapon." Nag-aatubili na saad ng babae, mababakas din ang takot sa mga mata nito.
"What? Diba, last week ko pa iyon pina-gawa sayo?" Umuusok ang ilong sa galit na sigaw ng lalaki.
"I'm sorry, po Sir. Hindi na po mauulit." Nakatungo ang ulo na saad nito.
Hindi muna nagsalita ang binata sa halip ay mukhang problemado na inihilamos ang kanyang kamay sa sariling mukha.
"Ms. Marquez. I need it right now!" Napapitlag pa siya at si Beatrice, dahil sa lakas malakas na sigaw ng binata. Halos takasan naman ng kulay ang mukha ni Beatrice.
Lumapit naman siya sa binata ng makabawi siya sa pagkabigla. Hinaplos niya ang braso nito para kumalma. Kitang-kita ang pamumula ng mukha at leeg nito. Ilang sandali na dumaan ang katahimikan ng humupa ang tensyon ay muling nagsalita ang lalaki.
"Call all the members of directors and tell them that the meeting has been postponed for today and it will resume tomorrow." Hinahapo pa na saad ng lalaki.
"Okay, Sir. Again I am sorry!" Wika naman ng namumutla pa ring si Beatrice.
"Make sure, na sapat na ang Isa pang araw para matapos mo ang report na yan." Mariing saad ni Ged.
Nag-aalangan na sumagot si Beatrice, kaya sa tingin niya ay baka hindi pa ito matapos ngayong araw.
Kahit naman naiinis siya sa kaartehan at katarayan ng babae ay nakaramdam din siya ng awa dito.
"Sir, okay lang ba kung tulungan ko si Beatrice?" Humihingi ng permiso na wika niya sa lalaki.
"Hindi mo trabaho yan, Ms. Ramirez." Masungit nitong saad.
Bigla naman siyang nakadama ng inis sa lalaki.
Sa tingin naman niya ay wala talaga siyang trabaho na gagawin sa loob ng opisina nito, kundi tumunganga maghapon.
"Pero Sir, akala ko po ba kailangan niyo ang report na yan bukas?" Mahinahon na wika niya kahit ang totoo ay naiinis na Siya rito.
"Okay, fine. It's up to you. Pero dahil dalawa na kayong gagawa nun, make sure na matatapos na yan Ngayong araw." Maotoridad na wika nito. Bago tumalikod upang pumasok sa opisina nito. Siya naman ay lumapit sa harap ng table ng babae para kumuha ng ilang pahina ng dokumento para simulan ang pagtulong dito. Umangat ang tingin nito mula sa pagkakayuko sa ginagawa at nakangiting tumingin sa kanya.
"Pina-tulungan ba ako ni Sir? Sinasabi ko na nga ba hindi niya ako matitiis." Masayang tanong nito.
Palihim siyang umirap ng tumalikod ito. Kung alam lang ng babae na kailangan pa niya itong kumbinsihin matulungan lang ito. Nakakaawa assyumer pala! Napa-iling na lang siya sa kanyang naisip. Gusto sana niyang isatinig pero hindi na niya ginawa baka pag-initan na naman siya ng bruha.
"Ms. Ramirez, coffee please!" Narinig niya ang baritono na boses ng lalaki sa intercom.
"Okay, right away sir." Sagot Niya, saka tumalikod upang magtungo sa pantry para gumawa ng kape.
Nang matapos ay tinungo niya ang opisina ng binata hawak sa dalawang kamay ang maliit na tray, kung saan nakalagay ang tasa ng umuusok na kape na nakapatong sa platito.
"Here is your coffee sir." Pormal na wika niya ng makapasok siya sa loob ng opisina nito matapos ang tatlong katok.
"Thanks!" Pasasalamat nito matapos niyang ibaba ang dala sa harap ng lalaki. Hindi man lang ito nag-angat ng tingin sa kanya, at patuloy lang sa pagpirma na ginagawa sa mga papeles sa harapan.
Palihim niyang pinagmasdan ang itsura ng lalaki. Pakiramdam niya sa loob ng mga panahon na magkasama sila at nasaksihan niya ang paibang mood nito ay nahuhulog na siya sa binata. Pero siya, at ang kanyang presensya ay para walang epekto rito.
"You may go now, Ms. Ramirez." Biglang saad nito, nagulat pa siya ng nag-angat ito ng mukha at deritsong sa kanya nakatingin.
Kaya't huling-huli nito ang paninitig niya sa lalaki. Nag-iinit ang mukha na tumalikod siya para kunin ang dokumento na gagawin niya ang report.
"Okay po, Sir." Aniya. Hindi nakatago sa kanyang paningin ang pilyong ngiti na naglalaro sa mga labi nito.
"Where are you going?" Maya-maya ay tanong nito ng makita siyang papalabas ng pinto.
"Ah, Kay Beatrice po Sir." Sagot niya.
Hindi na ito sumagot pero hindi rin nawawala ang ngiti sa mga labi nito. Siya naman ay tuluyan ng lumabas at ibinalik muna ang tray sa pantry.
Nang makuha niya ang dokumento na gagawin niya ay bumalik na siya sa opisina ni Ged.
Nakaupo na siya sa kanyang table para simulan na ang kanyang gagawin hindi na niya binigyang pansin ang paninitig ng lalaki sa kanya, at ipinagpatuloy na lang ang ginagawa.