Chapter Nineteen

1006 Words
Kaya tama lang ang mga bagay na naisip niya noon. Na kapag nag-asawa siya ay ayaw niyang magkaroon ito ng secretary na babae, siguro ay lalaking secretary na lang. “Beatrice, nung dumating ba si Sir? Wala ka dito sa table mo?” naisipan niya na itanong dito kahit ang totoo ay wala naman siyang pakialam sa mga ito. Nais lang niyang madagdagan ang pagkabalisa ng kaharap, at effective naman dahil kitang-kita niya ang lalong pamumutla ng mukha nito. “Bye!” paalam niya sa babae at hindi na niya hinintay na sumagot ito. Nang makabalik siya sa opisina ng lalaki ay naabutan niya itong nakayukyok sa table nito. ‘Ahm, wala ba siyang gagawin?’ tanong niya sa kanyang isipan ng makita itong hindi man lang binuhay ang laptop nito. “Kumain kana ng lunch?” Kapagkuwan ay tanong nito, pagkaupo niya sa harap ng kanyang table. Hapon na pero lunch pa ang nasa utak nito, alangan naman magpagutom siya ay nandyan lang ibaba ang cafeteria. “Oo.” tipid niyang sagot na hindi na nag-abala pang ibaling ang paningin dito. “With Jacob?” ani nito na hindi na hindi mahihimigan sa boses ang pagtatanong, sa halip isa iyong kumpirmasyon. “Jacob? Ahm, Yeah! Yung lalaking sumabay sa akin na kumain kanina.” balewala niyang sagot habang ang kanyang mga mata ay nananatiling nakatutok sa mesa. “Don’t eat in the cafeteria again.” mahihimigan ang tinitimping galit na saad nito. ‘Teka, galit ba sya?’ aniya sa kanyang isipan. “Ako na ang kasabay mong kumain, simula bukas.” maotoridad nitong saad. “Ano? Bakit naman nadiyan lang naman sa ibaba ang cafeteria. Oh!” naguguluhan na saad niya habang itinuturo ang ibabang floor gamit ang kanyang nakatulis na nguso. Ang makasama ito pati sa oras ng break time sa kumpanya ng lalaki ay kalabisan na sa kanyang pakiramdam. Magkasama na nga sila sa iisang bubong at sa oras ng trabaho, tapos maging sa break time ay ito pa rin ang makakasama niya sa pagkain. “Alam kong hindi ka sanay kumain sa cafeteria.” pahayag nitong muli. “Okay lang naman, maayos at malinis naman ang cafeteria dito. Atsaka gusto ko pang masanay sa ganitong pamumuhay.” saad niya. “Hmmm, because of Jacob ba? Kaya gusto mong kumain palagi sa cafeteria para makasabay mo siya?” kapag kuway tanong nito habang hinahaplos ng kamay ang sariling baba. Sukat sa sinabi nito ay nag-angat siya ng tingin. Paano nasali si Jacob sa kanilang usapan, malabo na ata talaga ang isip ng kanilang boss. “As my P.A, simula bukas kung nasaan ako, kailangan nandoon ka rin.” pinal nitong saad. Sa halip na sumagot ay pinili na lang niyang manahimik dahil mukha namang wala sa bokabularyo nito ang papatalo. Nang hindi na ito muling nagsalita ay pinili niyang tumayo upang magtungo sa restroom para magretouch. Malapit ng mag-uwian at gusto niya ay presentable siya palagi. Pagpatak ng alas-singko ng hapon ay nagsimula ng ligpitin ni Ged ang kanyang mga gamit. Kaya ganun na rin ang ginawa ni Maricon, at sabay na silang lumabas ng opisina ng lalaki. Naabutan pa nila si Beatrice, na tutok na tutok sa ginagawa nito. Walang imik na nilampasan ito ng binata. Siya naman ay lumingon dito bago tuluyang sumakay sa private lift, at nahuli pa niya ang matatalim nitong tingin sa kanyang likuran isang matamis na ngiti naman ang ibinigay niya dito. Nang makarating sila condo ng lalaki ay agad siyang pumasok sa kanyang silid upang maglinis ng katawan at magbihis ng pambahay na kasuotan. Nais niyang magluto ng paborito niyang kare-kare. Isang loose shirt at maong short na aabot lang sa kalagitnaan ng kanyang hita ang isinuot niya. Ipinusod din niya ang kanyang buhok para maging maaliwalas siyang tingnan. Nang makuntento sa kanyang anyo ay lumabas na siya sa kanyang silid at nagtungo sa kusina. Kahapon pa nakahanda ang mga kakailanganin niyang sangkap para sa kanyang kare-kare. Ang karne naman ay nasa freezer buong gabi kaya kaninang umaga bago siya pumasok sa trabaho ay inilipat na niya sa chiller para lumambot na ngayon nga ay pwede na itong iluto. Nagsalang muna siya ng bigas sa rice cooker, at nagsimula na sa pagluluto. Makalipas ang wala isang oras ay natapos na siya sa pagluluto, sakto namang pumasok ang lalaki sa kusina. Suot ang isang v-neck na t-shirt na kulay puti at cotton short na black. Hindi niya maiwasang hindi pagmasdan at mamangha sa kabuuan ng lalaki, hindi na siya magtataka kung bakit, may mga babaeng katulad ni Beatrice ang naghahabol sa binata. Dahil sadya namang napaka gwapo nito at napaka lakas ng s*x appeal yung tipong napapalingon ka talaga kapag nakasalubong mo siya. Bago pa man siya nito mahuli na nakatitig dito ay agad na niyang iniwas ang kanyang paningin at ibinaling sa mga nilutong pagkain ang pansin. “Hmmm, ang bango naman ng niluto mo.” nakangiting wika nito habang suminghot-singhot pa. Saka naglakad palapit sa mesa. “Nagluto ako ng kare-kare, para sa dinner natin.” saad niya, at inilipat sa kwadrado ng lalagyan ang ulam. Naglagay na din siya ng kanin sa isang bowl na siya niyang dadalhin sa mesa. “Maupo ka na.” anyaya niya sa binata ng makita niya itong nanatiling nakatayo malapit sa dining table. Matapos niyang ihain ang mga pagkain ay pinaghila naman siya binata ng upuan saka siya inaalalayan na umupo. “Hmm, ang sarap mo talagang magluto. Tapos marami ka pang alam gawin sa mga gawaing bahay.” nakangiting papuri nito sa kanya, matapos dalhin sa bibig ang maliit na piraso ng ulam. “Madalas akong tumulong sa mga kasambahay namin sa mga gawain sa kusina, hanggang sa nagka interest ako sa pagluluto para palagi ko ng maipagluto si daddy ng paborito namin na kare-kare.” masaya niyang tugon, pero agad ding nahalinhan ng lungkot ng maalala niya ang kanyang ama. 'kumusta na kaya ito Ngayon?' Naiisip man lang kaya siya nito?' “Mabuti pumayag si Mr. Ramirez na makihalubilo ka sa mga kasambahay.” komento naman nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD