Chapter Eighteen

1004 Words
Hindi pa nangangalahati ang palabas ng bumukas ang pinto ng silid at pumasok si Beatrice, suot ang mataray nitong mukha. Na-a-akalain mong boss sa klase ng tindig sa kanyang harapan. “Setting pretty? Wow, oras ng trabaho pero panonood sa laptop ang inaatupag mo! Kasama ba yan sa job description?” hindi maitago ang galit sa boses na saad nito. Lalo pa nga itong nanggagalaiti matapos silipin kung ano ang ginagawa niya sa kanyang laptop. “Ah, wala na kasi akong gagawin.” may kababaang loob na saad niya sa babae. “Ito oh, gawin mo! Kailangan na yan bukas gawan mo ng report.” mataray na saad nito, saka ibinaba sa kanyang table ang mga papeles. Naiinis man ay hindi na lang siya nagreklamo, nakita .pa niya na pinasadahan pa nito ng tingin ang kanyang table. Nang mag-angat siya ng mukha hindi nakaligtas sa kanya ang nang-uuyam na ngiti na nakapaskil sa mga labi nito, ng makita nito na nakatingin siya rito, ay katakot-takot na irap pa ang ibinigay nito sa kanya bago tuluyang lumabas.hindi niya maiwasang hindi magtaas ng kilay ng makita itong pakending-kending pa na akala mo ay rumarampa sa isang fashion show. Naiinis man siya sa dami ng kailangan niyang gawin ay wala na din siyang nagawa kundi ang simulan na lang yun’ kung nandito lang sana si Ged, baka hindi siya ang gagawa ng mga ito. ‘Speaking of Ged.’ Baka nga ito pa ang nag-utos sa Secretary nito na bigyan siya ng gagawin. Hindi niya alam kung anong oras siya matatapos gumawa ng report sa mga dokumento na nasa kanyang harapan. Ilang oras na lang ang meron siya at mag-uuwian na ang empleyado. Parang gusto niyang umiyak sa sama ng loob sa binata, ito ang unang araw niya sa trabaho pero sobrang na-stress siya kung paano siya uuwi. Sasabay pa sa rush hour ang kanyang pag-uwi mamaya, tapos mag ko-commute pa siya, hindi naman lingid sa kanya ang hirap sumakay at ang traffic sa Lungsod tuwing rush hour na. Wala na yatang balak bumalik ang binata sa opisina nito, no choice talaga siya kundi ang mag commute. Sana lang may makasabay siyang kakilala mamaya. Sa kabila ng inis na nararamdaman niya, ipinagpatuloy na lang niya ang kanyang ginagawa. Subalit, nakakailang pahina pa lang siya ng muling bumukas ang pinto ng silid. Sa pag-aakala na si Beatrice lang ito, upang tingnan ang kanyang ginagawa ay hindi na siya nag-abala pang mag-angat ng mukha upang harapin ito. Sa halip ay ipinagpatuloy lang niya ang kanyang pagbabasa. Ngunit ng maramdaman niyang hindi ito umaalis sa kanyang harapan at hindi rin ito nagsasalita ay nag-angat na siya ng paningin para lang ma salubong ang naka busangot na mukha ni Ged, habang salubong ang mga kilay na nakatingin sa mga papel na nasa kanyang harapan. Nang pagmasdan niya ang anyo nito napansin niya ang magulo nitong buhok at ang gusot nitong kasuotan, na animo’y sumabak sa isang karera para makabalik ng opisina nito. “Anong ginagawa mo?” kapagkuwan ay tanong nito. Mababakas ang kaseryososan sa baritono nitong tinig habang hindi maipinta ang mukha na nakatingin sa mga papeles sa kanyang harapan. “Ah, binigay ito ni Beatrice, kailangan na daw ang report nito bukas kaya kailangan ko ng tapusin ngayon.” sagot niya na na hindi na muling nag-abala na mag-angat pa ng tingin. “Ganun ba, It’s not part of your work, and I want to remind you, that you are my personal assistant, hindi assistant ng secretary ko. Maliwanag ba yun? Ms. Ramirez.” anito sa kanya. Hindi niya magawang salubungin ang mga titig nito, dahil natatakot siya sa kaseryosohan ng mukha ng lalaki. Kaya sa halip na sumagot ay tumango na lang siya. “Now, dalhin mo na ang lahat ng yan kay Beatrice, kung ayaw mong ako mismo ang magbalik niyan sa kanya and next time,wala kang ibang tatanggapin na trabaho dito maliban sa trabaho na ako mismo ang nagbigay.” Galit na wika nito habang hinihilot ang sarili nitong batok. Saka tuluyan ng naglalakad patungo sa mesa nito. Siya naman ay ibinalik ang atensyon sa mga papel saka isinalansan ng maayos. Nang matapos ay agad na siyang tumayo upang dalhin kay Beatrice ang mga papel. Naiilang na naglakad siya patungo sa pintuan dahil ramdam niya ang paninitig ng lalaki sa kanyang likuran. “Oh, tapos mo na agad? Napaka flexible mo naman pala.” wika nito sa nang-uuyam na tinig. Alam naman niyang insulto sa kanya ang pakakasabi nito pero pinili niyang huwag na lang magbitiw ng anumang salita. Sa halip maingat niyang ibinaba sa harapan nito ang sandamakmak na papel na dala niya. Agad naman nitong siniyasat ang mga papeles. Saka nakataas ang kilay na bumaling sa kanya. “Pinagloloko mo ba ako?” umuusok ang ilong sa galit na wika nito. “Wala ka pang ginagawa dito ah.” nanggagalit nitong saad. “Ah, according to Mr. Russell Ged Lustree, the CEO of this company, doing the report of those documents is not part of my job as his personal assistant.” saad niya sa babae na sinasadya niyang maging maarte ang kanyang tinig. “Nagsumbong ka? Nakabalik na ba siya?” natataranta na tanong nito pero hindi naitago ang pagkairita sa kanya. “Well, hindi ko na kailangang magsumbong dahil siya na mismo ang nakakita.” balewala niyang sagot dito. “I-ibig mo bang sabihin nakabalik na siya?” namumutla at halos himatayin na ito sa pagkataranta ng muling magtanong. “Oo, halos kararating pa lang niya, pero ang mga papeles agad na iyan ang nakita niya kaya agad niyang ipinabalik sayo.” wika niya sa babae. Dahil sa ugali na ipinakita nito sa kanya, pakiramdam niya ay nabuhay ang galit na nararamdaman niya sa dating secretary ng kanyang ama, na ngayon ay asawa na nito. Ang kanyang Tita Cassandra. Na siyang dahilan kung bakit nagkaroon ng lamat ang relasyon nila ng kanyang ama. Parang gusto niyang isipin na lahat ng secretary ng mga lalaking CEO ay nagpapantasya sa mga boss ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD