"Okay, Sir." Aniya dito. 'Sir' ang tawag niya dahil nasa opisina sila nito. At simula ngayon ay isa na siya sa mga tauhan na pinapasahod nito.
"Stop calling me 'Sir'." Anito sa kanya habang kunot na kunot ang noo.
"Nagtatrabaho ako sayo, kaya dapat lang na tawagin kitang 'Sir'." Katwiran niya.
"Okay, pero tatawagin mo lang ako ng ganyan kapag may iba pa tayong kaharap. Sa ngayon ay tayong dalawa lang kaya call me Ged. Kung ayaw mong tawagin kitang Ms. Ramirez." Hindi papatalo na saad nito.
"Okay, fine." Naiinis sa saad niya.
Ayaw niyang patawag ditong Ms. Ramirez, dahil alam niyang marami ang magka-ka-interest na malaman ang family background niya dahil isang kilalang Business tycoon ang kanyang ama. Idagdag pa na umingay din sa business world ang pagpapakasal na ginawa nito makalipas ang mahabang panahon na biyuda ang lalaki.
Pagsapit ng alas-diyes ng umaga ay nagpaalam sa kanya si Ged naa-attend ng meeting sa labas. Kaya't Siya lang ang naiwan sa opisina nito. Mula ng dumating sila kanina ay hindi pa siya lumalabas kaya Hindi niya alam kung nasa desk ba Ang secretary nito o baka magkasama Ang dalawa.
'Secretary nga diba? Syempre, kasama yun' sa meeting!' himutok niya.
Wala na siyang gagawin dahil tapos na niyang iligpit ang mga papeles na inutos sa kanya ng lalaki. Humiga muna siya upang kahit papaano ay ipahinga ang kanyang nangangalay na likod. Hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog na siya,
Naalimpungatan siya ng makaramdam ng gutom. Nang tingnan niya ang oras sa kanyang cellphone ay lagpas ng alas-dose. Dali-dali niyang inayos ang kanyang sarili para bumaba sa cafeteria. Palinga-linga pa siya sa paligid para tiyaking wala pa ang binata at sigurado na wala pa nga ito ay diretso na siyang lumabas ng opisina. Maging ang secretary nito ay wala sa pwesto niya siguro nga ay magkasama ang dalawa.
Marami pang tao ang kumakain sa cafeteria ng marating niya ito. Halos lahat ng mata ay natutok sa kanya lalo na ang mga kalalakihan. Nakayuko ang ulo na nagtungo siya sa counter upang umorder ng pagkain.
Matapos pumili at makuha ang pagkain na nagustuhan niya. Bitbit ang tray na tinungo niya ang isang bakanteng mesa at naupo saka tahimik na nagsimula ng kumain. Nakakailang subo pa lang siya ng may isang bulto ng lalaki ang lumapit sa kanya. Bitbit ang pagkain nito.
"Hi! Bago ka lang dito?" Friendly nitong tanong. Habang may malawak na ngiti sa mga labi.
Hindi niya maiwasang siyasatin ang kabuuan ng kaharap. Malaking lalaki din ito, pero mas malaki ang pangangatawan ni Ged kumpara sa lalaki. Matangkad din ito at masasabi niya na magandang lalaki din. Pero mas lamang nga lang ang boss niya.
"Oo." Tipid niyang sagot matapos lunukin ang pagkain sa kanyang bibig.
"Sang department ka?" Tanong naman nito sa gitna ng pagkain marahil ay para may pag-usapan lang sila.
"Ahm, personal assistant ako ni Mr. Lustre." Kiming wika niya.
"Oh' nangailangan pa pala yun ng personal assistant? Sa pagkakaalam ko madalas na silang magkasama ni Beatrice." Napapantastikohang saad nito.
Agad naman siyang napaisip dahil sa huling sinabi nito. So, tama nga ang sapantaha niya mayroong kakaibang namamagitan sa dalawa.
"By the way, I'm Jacob ng Engineering." Pakilala nito sa sarili ng hindi na siya muling nagsalita.
"Maricon." Tipid na wika niya saka inubos ang kanyang pagkain. Hindi na naman muling nagsalita ang lalaki kaya't na tahimik na siya.
Matapos kumain ay nagtungo siya sa restroom na malapit lang sa cafeteria upang mag retouch at mag toothbrush. Pumasok muna siya sa isang bakanteng cubicle para umihi ng may naulinigan siyang mga boses ng babae na nag-uusap. Hanggang sa marinig niya pagbukas-sara ng pinto ng restroom.
"Oh' my. Seryoso? Mayroong personal assistant si Ged mo?" Natitilihang tanong ng isang babae sa kausap ng tuluyan ng makapasok ang mga ito.
"Oo, yung kasama niya kaninang pumasok." Halata ang inis na wika naman ng boses ni Beatrice.
"Gosh! Kailangan pala niya ng P.A bakit hindi na lang ikaw ang kinuha." Ani naman ng isa.
"Ewan ko. Nakaka-inis nga, iniitsapwera na niya ako. Hindi din niya ako isinama sa pakikipag kita sa mga kaibigan niya. Dati naman kahit saan siya magpunta kasama ako. Kahit hindi na kasama sa trabaho." Nagmamaktol na wika ng babae.
Napaisip naman siya. May malalim na nga yata na pinagsamahan ang mga ito. Pero may bahagi sa kanyang puso ang nagdiriwang ng malaman na hindi din nito kasama ang babaeng secretary. Patuloy lang siya sa pakikinig sa pag-uusap ng mga ito kahit tapos na siyang umihi. Parang ayaw niyang magpakita kay Beatrice.
"Akala ko pa naman, okay na kayo." Dismayado na wika ng babae.
"Okay naman talaga kami." Mayabang na saad ni Beatrice.
Hanggang doon lang ang narinig niya dahil lumabas na ang mga ito. Siya naman ay ipinagpatuloy ang balak niyang gawin sa restroom.
Matapos mag-retouch ay bumalik na siya sa opisina ng lalaki. Sa labas pa lang ay nakita na niya si Beatrice na nakaupo sa harap ng table nito habang may kung anong tinitingnan sa laptop.
Nang tumapat siya sa desk nito ay nag-angat ito ng tingin para lang pasadahan ang kanyang kabuuan habang nakataas ang kilay. Sa halip na patulan ito ay tahimik lang siyang dumaan sa harapan ng babae.
Naghanap siya ng maaaring gawin sa opisina ng lalaki. Hanggang sa natapos na niyang linisin ang mga shelves at table ng binata maging ang mga drawer nito ay wala pa rin ang lalaki. Nagsisimula na naman siyang mainip. Ganito pala ang pakiramdam ng maiwang mag-isa sa Opisina ng lalaki.
Ngayon niya gustong pagsisihan na hindi niya tinanggap ang alok ni Ged kanina na sumama siya dito sa ‘meeting’ kuno na pupuntahan nito. Pero makikipag-kita lang pala sa mga kaibigan nito.
‘Hay, paano kaya ako uuwi mamaya?’ nalilitong tanong niya sa kanyang sarili.Hindi pa naman siya sanay mag commute sa Lungsod ng Maynila. Ang unang beses na nag commute siya noong tumakas siya sa kanila at pumunta ng Baguio. Sa kawalan ng gagawin at upang kahit paano ay malibang siya, ibinaling niya ang kanyang atensyon sa kanyang laptop at nagsimulang manood ng paborito niyang movie.