Chapter Sixteen

1004 Words
Tuloy-tuloy sa paglalakad si Ged, habang papasok sa gusali. Magiliw itong binati ng security guard na naka duty, maging ng magandang babae na nasa information. Ganun din ng mga employee na nakakasakubong nila. Pero parang walang nakikita at naririnig ang lalaki na diretso lang ang lakad. Bigla niyang namiss ang kanyang ama. Dahil kabaliktaran ito ni Ged, sa dami ng pagkakataon na isinasama siya ng kanyang ama sa opisina nito ay madalas niyang masaksihan ang kababaan ng loob ng ginoo. Palagi itong may nakahandang matamis na ngiti sa mga labi at sa bawat magiliw na pagbati dito ng mga empleyado nila ay magiliw ding tutugon ang kanyang ama. Dahil sa nakikita niyang ugali ng binata sa mga tauhan nito at kung paano nito tratuhin ang mga manggagawa. Nahihiya siyang sumabay sa lalaki sa paglalakad. Sinadya niyang bagalan ang paglalakad para hindi sila magpantay pero maagap nakaramdam ang lalaki kaya't agad nitong kinuha ang kanyang kamay. Magka holding-hands sila habang naglalakad naiilang man siya sa pagkakahawak nito sa kanyang kamay ay hindi naman niya ito magawang bawiin dahil nahihiya siya sa pwedeng isipin ng mga empleyado nito na nakatingin sa kanila. Pero parang mas dapat siyang mahiya dahil lahat ng atensyon ng mga tao na nadaraanan nila ay nakatutok lang sa kanila. Nang sapitin nila ang private lift nito inalalayan pa siya nitong pumasok na para bang isa siyang mamahaling bagay. Nakita niya ang number na pinindot nito. Number 10. Ibig sabihin ay nasa 10th floor ang opisina ng lalaki. Tahimik lang sila sa loob ng elevator na parang wala isa man sa kanila ang gustong magsalita, tanging ang paghugot ng hininga ng lalaki ang narinig at ang malakas na t***k ng kanyang puso. Lalo pa at hindi pa nito binibitawan ang kamay niya. Hanggang sa tumigil na ang elevator at sapitin nila ang opisina nito. Bumitaw lang ito sa kanyang kamay ng salubungin ito ng masayang mukha ng isang maganda at sexy na babae sa tingin niya ay secretary ito ni Ged. "Good morning! Sir. Coffee?" Malambing na tanong nito. Halos mapataas ang kanyang kilay ng makita ang hindi matatawaran na saya sa kilos ng babae. "Yes, please!" Sagot naman ng lalaki. "Hmmm, how about you? Do you want coffee?" Baling nito sa kanya ng maalala yatang may kasama ito. "No, thanks." Tipid niyang sagot. "Okay. So coffee for me only. By the way Beatrice, this is Maricon My personal assistant." Pakilala nito sa kanya. "Oh' Hi! I'm Beatrice." Nakangiting wika nito saka naglahad ng palad. "Maricon." Aniya bago tinanggap ang palad nito na nasa kanyang harapan. "Mawawalan na ba ako ng trabaho? Sir." Nakangiting tanong nito sa Amo nito. "Of course not. Like what I've said, Maricon is My personal assistant." Sagot naman ng lalaki. "Personal assistant? Parang mas bet ko yun Sir. Para mas magkakilala pa tayo at laging magkasama." Humahalakhak na turan nito. Hindi niya mawari kung biro ba yun? O may halong katotohanan. "Ikaw talaga, masyado kang palabiro. Sige papasok na kami. Paki-sunod na lang ng coffee ko." Paalam ng lalaki. "Okay, Sir. Noted." Napailing na lang siya sa naririnig na conversation ng dalawa. Lantaran ang pag pi-flirt ng babae kay Ged. Ang lalaki naman ay mukhang nag-eenjoy pa. 'ano naman sayo Maricon kung maglandian sila? Remember, hindi mo siya pag-aari.' saway niya sa kanyang sarili. Agad bumangon ang inis sa kanyang sistema ng nasaksihan kung paano makitungo ang secretary nito sa lalaki. Lahat ba ng secretary ay ganito sa kani-kanilang mga boss? Bigla niyang naisip ang kanyang ama, marahil ay nilandi din ito ng kanyang madrasta na Si Cassandra. Kaya't pinakasalan nito ang babae. Matagal na nitong secretary ang ginang pero mukhang wala namang special na nararamdaman ang mga ito sa isa't-isa. Kaya't nagulat na lang siya ng sabihin ng kanyang Ama na pakakasalan nito ang babae. Umpisa palang ay tutol na siya pero wala siyang nagawa dahil buo na ang desisyon ng kanyang ama. Bumalik siya sa kasalukuyan ng magsalita ang binata. "Ito ang magiging table mo. Kahapon ko pa yan naipalagay kay Mang Ambo." Tukoy nito sa driver/alalay nito. "Okay, salamat." Aniya saka nagsimula ng ayusin ang kanyang gamit sa ibabaw ng table. Hindi pa man siya nakakaupo ay may narinig na siyang katok sa pinto ng silid. Lalapit na sana siya sa pinto upang buksan ito ng magsalita ang binata. "Come in." Anito. Agad namang bumukas ang pinto at iniluwa ang secretary nitong lantad ang puno ng dibdib sa baba ng neckline ng suot nitong blouse. Habang maikli din ang skirt nito at pulang-pula ang mga labi dahil sa kapal ng nilagay na lipstick. Mas bagay dito ang pumasok sa cabaret kesa maging Secretary ng isang Russell Ged Lustre. Nang makita siya nitong nakatingin dito ay agad itong nagtaas ng kilay at masama siyang tiningnan. Bago nagpatuloy maglakad palapit sa mesa ni Ged. Naaalibadbaran na sinundan niya ito ng tingin. "Here's your coffee, Sir." Malambing na wika nito saka ngumiti ng ubod tamis sa lalaki. "Thanks." Saad naman ng binata na hindi man lang nag-abala na mag-angat ng tingin. Nasiyahan siya sa kanyang nasaksihan, kaya't nanatili pa siyang nakatayo. Pero bago pa man pumihit paharap sa kanya ang babae upang lumabas ng silid ay tuluyan na siyang umupo sa upuan sa harap ng kanyang table. Binuksan niya ang kanyang laptop kahit wala naman siyang kailangan gawin doon. Narinig pa niya ang tagaktak na tunog ng takong ng sapatos ng babae na papalapit sa kinaroroonan niya. Nang huminto ito sa kanyang harapan ay agad siyang nag-angat ng tingin. To her surprise nasa harapan niya ang babae at masama ang tingin na nakatunghay sa kanya. Nakipaglaban siya ng titigan dito at ng hindi siya magbaba ng tingin ay tiningnan siya nito mula paa hanggang ulo na parang sinusukat ang kanyang pagkatao. Saka siya inirapan at pinagtaasan ng kilay bago ito tuluyang lumabas. Napailing na lang siya sa inasta nito. "Maricon, pake-kuha itong mga papeles sa table ko at pakisalansan ng maayos. E-stapler mo na din ng naaayon sa pagkakasunod-sunod. Thanks!" Narinig niya ang utos ni Ged sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD