"Ang ganda naman ng unit mo!"
Hindi mapigilang saad niya. Labis siyang namamangha sa ganda at linis ng paligid napaka bango rin.
"Salamat! Pwede kang maglibot muna. Pero ituturo ko muna sayo ang magiging kwarto mo. yung silid sa kanan ang sayo at yung sa kaliwa naman ang sakin." Anito sa kanya tumango na lang siya at tinungo ang kitchen. Habang ang lalaki ay nagtungo na sa silid nito.
Mula sa kitchen ay namangha na naman siya. Kumpleto ang halos lahat ng gamit doon. May malaki ring refrigerator at Four seater dining set. Hindi maitatanggi ang pagiging masinop ng lalaki sa mga gamit dahil wala siyang makita kahit konting alikabok sa mga gamit nito.
Masinop? Ahmm Maricon, mayaman yan malamang may caretaker yan dito!' Ani naman ng kabilang bahagi ng kanyang isip. Dahil sa naisip ay sumimangot siya. Tama nga naman marahil ay may tagalinis ito, hindi naman ito mag-aabalang maglinis dahil mayaman ito.
"May nagpupunta dito once a week para maglinis at maglaba." Napasinghap siya sa gulat ng marinig ang baritonong boses nito. Hindi man lang niya naramdaman ang paglapit nito sa ref dahil ngayon ay kasalukuyan na itong kumukuha ng inumin doon.
Ganun na ba kaabala ang kanyang isipan?
"Once a week din kung mamalengke si Manang Sabel, kaya kung may kailangan ka ilista mo lang at idikit sa ref para mabili niya kapag namalengke siya." Saad nitong muli ng hindi siya kumibo.
Nahihiya naman siyang nagpasalamat dito. Ito na naman ang isang ka tauhan nito ang pagiging seryoso at may care sa kanya. Pero dahil parang masusupocate siya sa presensya nito sa kitchen kaya't nagpaalam na siya rito.
"Ahhm, pasok na ako sa room ko. Good night!" Hindi pa man ito nakaka sagot ay tumalilis na siya.
Nang makapasok sa loob ay agad siyang sumandal sa pinto ng kanyang silid matapos itong isarado habang hawak ang kanyang dibdib ang bilis ng t***k ng kanyang puso. Para siyang hinihingal sa pagod. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit kapag seryoso at pormal makipag-usap sa kanya ang binata ay parang nakikipag karera sa bilis ng t***k ng kanyang puso. Kapag naman palabiro ito ay umuusok ang kanyang ilong sa inis.
'hayyy Maricon! Loka-loka ka na talaga!' Matapos kalmahin ang kanyang sarili ay nagtungo siya sa banyo upang maligo at magbihis ng damit pantulog.
Hindi na siya kumain dahil nabusog na siya ng kinain nila kanina. Matutulog na lang siya.
Ilang sandali lang ang inilaan niya sa paliligo. Matapos mag bihis ay nag-umpisa na siyang patuyuin ang kanyang buhok gamit ang hair dryer.
Umusal lang siya ng taimtim na panalangin bago inilapat ang kanyang likod sa malambot na higaan.
Lumipas ang ilang Araw at Ngayon ay maagang gumising ang dalaga upang magluto at maganda ng almusal na pag sasaluhan nila ni Ged. Simula ng tumira siya sa condo ng lalaki ay ilang Araw na niya itong ginagawa ayaw man ng lalaki pero Siya na ang nag-iinsist dahil napapansin niyang madalas lang itong umorder ng pagkain sa labas. At bihira lang itong makakain ng lutong bahay, pero dahil marunong naman siyang magluto dahil madalas siyang maglagi sa kusina sa tuwing wala siyang ginagawa upang panoorin kung paano mag luto ang kanilang kusinerang si Manang Beth, simula noong bata pa siya hanggang sa mag dalaga kaya't natutunan na niya ang pagluluto na hindi nagtagal ay naging libangan na rin niya. Na sya naman niyang nagagamit Ngayon mula ng umalis siya sa poder ng kanyang ama. Madalas niyang ipagluto ang binata upang kahit paano ay makabawi naman siya sa mga kabutihan nito sa kanya at sa libre nitong nagpatira sa kanya sa condo nito at sa pagbibigay nito sa kanya sa trabaho. Sa katunayan nga ay ngayong araw ang simula ng kanyang trabaho bilang personal assistant ng lalaki. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa kumpanya nito dahil meron naman itong secretary.
Matapos maligo at gawin ang kanyang morning routine ay lumabas na siya sa kanyang silid upang magsimula ng magluto. Suot ang isang kulay peech na fitted dress na below the knee ang haba na pinarisan niya ng 2inches na sapatos. Mabuti na lang at nakalabas siya kahapon kaya't nakabili siya ng ilang personal niyang gamit, dress at sapatos.
Hindi pa man niya narating ang kusina ay agad na niyang naamoy ang amoy ng mga lutong pagkain. Nagmamadali siyang naglalakad patungo sa kusina at mula sa harap ng kalan ay nakita niya si Ged, na naghahalo ng sa tingin niya ay sinangag. Napalunok pa siya ng bigla itong humarap sa kanya. Topless ang lalaki at tanging boxer short ang suot nito sa ibaba at may suot itong apron.
"Good morning! Umupo ka na matatapos na ako dito." Nakangiting wika nito.
"Morning! Tutulungan na kita. Pasensya ka na. Tinanghali yata ako ng gising." Nahihiyang saad niya. Narinig naman niya ang tawa nito.
"Hindi ka tinanghali. Inagahan ko lang ang gising ngayon, para ako naman ang maghanda ng almusal natin." Nakangiting wika nito. Sabay kindat. Dahilan para maramdaman niyang uminit ang kanyang mukha.
Sa halip na sumagot ay umiwas na lang siya ng tingin, saka lumapit sa coffee maker. Gumawa siya ng black coffee para rito habang milk naman ang kanya saka iyon dinala sa mesa.
Inihain naman ng lalaki ang mainit na sinangag. Nasa mesa na rin ang pritong tapa, egg at ham. Mayroon ding tinapay at cheese na nakahain sa mesa. Hindi na siya nag labas ng prutas dahil hindi naman mahilig ang lalaki.
Nang marating nila ang kumpanya ng lalaki ay namangha siya sa nakikitang lawak at tayog ng gusali. Nakita rin niya ang pangalan ng kumpanya na nakaukit sa harap. 'Lustre Groups of Companies' Sa tapat ng lobby sila ibinaba ni Mang Ambo. Agad siyang nakaramdam ng hiya ng mauna itong bumaba sa kanya at inalalayan pa siya pababa. Kanina pa siya naiilang sa presensya nito dahil sa halip na sa tabi siya ni Mang Ambo umupo ay pinilit nitong sa tabi nito sa back seat siya umupo. Halos matunaw siya sa matiim nitong mga titig kanina. Hindi niya alam kung ano na naman ang trip nito.