Chapter Fourteen

1009 Words
Magda-dapit hapon ng lisanin nila ang lugar ng kanyang apartment sa Baguio, dahil nakatulog siya kanina at hindi naman nag-abala ang binata na gisingin siya. Sakay sa sasakyan ng lalaki ay tahimik lang sila buong durasyon ng byahe. Nagpapasalamat siya na wala sila masyadong traffic na nadaanan. Matapos ang ilang oras na biyahe ngayon ay tuluyan na silang nakapasok ng Manila. "Nagugutom ka na ba? I can buy some food for us." Ani ng binata ng huminto sila sa isang fast food chain. Tatanggi pa sana siya pero kumalam na ang kanyang sikmura. Kaya't tumango na lang siya sa binata. Hindi na sila pumasok sa loob ng naturang fast food nag drive thru na lang sila, ilang sandali pa ay inabot na ng cashier kay Ged ang mga pagkain na inorder nito. French fries, fried chicken, at burger ang laman ng supot. May dalawang drinks na rin na nasa disposable cups. Matapos kunin ang supot na inabot sa kanya ng lalaki ay walang pakialam na kumuha siya ng burger ng maamoy niya ang mga pagkain ay lalo siyang nagutom kaya't agad niya itong nilantakan. Kagat sa burger, kuha ng french fries at inom sa drinks ang kanyang ginawa ng magkakasunod. Halos nakalimutan niya na may kasama siya. Naubos niya ang burger sa ilang kagat lang, habang ang fries naman ay napangalhatian palang niya. Iinom sana siya ng marinig na tumikim ang binata. Nang tingnan niya ito ay agad nag-init ang kanyang pisngi dahil palihim itong nangingiti habang pasulyap-sulyap sa kanya. "Ahem, gusto mo?" Kunwa'y tanong na lang niya rito. Pero sa halip na sumagot ay ngumiti lang ito. "Hindi ka naman halatang gutom." Mahinang saad nito pero nakarating pa rin sa kanyang pandinig. "Alam mo, kung nagugutom ka kumain ka na lang muna. Ako na ang nagda-drive." Aniya dito. Marunong naman siyang magmaneho dahil mayroon din siyang sariling sasakyan na neregalo sa kanya ng kanyang ama noong graduation niya sa college. Ito yata ang huling regalo na natanggap niya mula rito. Dahil nga nag-asawa na ito. Pinag-enroll din siya ng ginoo sa isang driving school noong second year college pa lang siya. "Hindi na, subuan mo na lang ako." Wika nito habang may pilyong ngiti na naglalaro sa mga labi nito. "Sige na, kumain ka na. Ako na muna ang magda-drive." Pamimilit niya rito. Ayaw naman niyang subuan ito. Nakakailang kaya yun. Kumuha siya ng burger na para sa lalaki, inilabas din niya ang drinks na para dito saka ito tinanggalan ng takip. Pero nagulat siya ng kunin nito ang kanyang kamay na may hawak na burger at ito na mismo ang naglapit niyon sa sarili nitong bibig. Agad nag-init ang kanyang pisngi dahil sa ginawa nito, lalo na ng tumama ang isa niyang daliri sa labi nito. Nahihiya siya at hindi magawang tumingin dito. Habang ito naman ay balewala na dinudurog sa bibig ang pagkain. Madalas talaga na hindi niya maintindihan ang ugali ng binata. Minsan seryoso ito, kung minsan ay palabiro, at may pagkakataon naman na sobrang pilyo nito. Nakailang kuha pa ito sa kanyang kamay na nanatili sa ere bago niya narinig na tumikim ang lalaki. "Ahem, baka naman gusto mo akong painumin." Malamig na wika nito. Nang tingnan niya ang kanyang kamay na nanatili sa ere ay saka lang niya nakumpirma na ubos na pala ang burger na hawak niya at ang papel na nakabalot dito na lang ang kanyang hawak. Sa pag-aakala na baka nabilaukan ang binata ay natataranta niyang kinuha ang drinks saka inumang sa bibig nito. Hindi naman nakaligtas sa kanyang paningin ang pagngisi nito. Marahil ay natatawa na naman ito sa kanyang naging reaksyon. Gusto niyang pagsisisihan ngayon kung bakit pa siya nagtiwala na sumama sa lalaki. Kung hindi lang siya natatakot kay Marco at kung hindi lang paubos na ang kanyang pera ay baka nag back out na siya. Pero sa ngayon kailangan pa niya ang tulong ng binata. Ayaw naman niyang sa lansangan pulutin dahil sa pagrerebelde niya sa kanyang ama. Mahigit isang oras ang lumipas bago sila nakarating sa condo nito sa Makati. Matapos mag park ng sasakyan sa parking lot ay inalalayan siya nitong bumaba ng sasakyan. Kinuha din nito ang kani-kanilang camping bag sa compartment ng kotse at iniwan na roon ang kanilang mga tent. Saka siya hinawakan sa kamay upang magtungo sa elevator na nasa parking area. Wala silang imikang dalawa hanggang sapitin nila ang elevator sa tuwing nahuhuli niya itong matamang nakatitig sa kanya ay agad niya itong inirapan. Pakiramdam niya ay nag-iinit siya sa klase ng mga titig nito. Tumatawa naman ito sa tuwing ginagawa niya iyon. Hindi niya maiwasang hindi sundan ng tingin ang malaki at maugat at mabalahibong braso nito na pinipindot ang elevator button. Nang sapitin nila ang 15th floor namangha siya sa nabungaran nila. Maganda ang interior ng floor na iyon at isang pinto lang ang naroroon nagtataka na inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid. "Ito ang pad ko. Nag-iisa lang ito dito sa 15th floor." Imporma nito sa kanya na wari'y nahulaan ang laman ng kanyang isip. Nagtataka na siya sa lalaking ito, manghuhula ba ito? Bakit madalas nitong mabasa ang laman ng kanyang isipan? O baka naman masyado lang talaga siyang obvious. Pinili niyang hindi na sumagot dito at dumiretso ng lakad sa pagsunod sa lalaki na ngayon ay nagbubukas na ng pinto ng pad nito. "Get in." Anito sa kanya ng magbukas ang pinto. Binigyan pa siya nito ng space upang makadaan siya. "Thanks." Labas sa ilong na pasasalamat niya. Baka naman isipin nitong napaka rude niya. Nang makapasok sa loob ng silid lalo siyang namangha dahil sa ganda ng loob nito. White, at gray ang combination ng kulay na nakapag dulot ng lamig sa mga mata. Wala rin masyadong display, maliban sa isang malaking Tv na nakadikit sa pader sa harap nito ay sala set. May mga paintings din na nakasabit sa dingding na naghuhumiyaw sa karangyaan dahil gawa ito ng mga sikat na pintor sa mundo, may mga vase din na nakadisplay sa kabilang bahagi. Sa sala pa lang ay mayroon ng aircon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD