Chapter Thirteen

1005 Words
Matapos magbihis ay sinuklay niya ang kanyang lagpas balikat na buhok saka naglagay ng pulbos at kaunting liptint sa kanyang mga labi. Kasalukuyan siyang nakaharap sa salamin, ng may maalala siya. Nanlalaki ang kanyang mga mata itinigil ang ginagawa. 's**t Maricon, your so stupid na talaga!' tili ng kanyang isipan. Mula sa pagsipat sa kanyang sarili sa salamin nagmamadali siyang pumihit saka tumatakbo na tinungo ang banyo. Hindi niya ininda ang pagsakit ng kanyang paa. Dahil sa pangamba na baka mag shower ang binata. Agad niyang binuksan ang pinto ng banyo ng marating niya ito. Hindi na siya nag-abalang hanapin pa ang lalaki dahil ang focus niya ay nasa shower room kaya't dun agad siya nagtungo ng makapasok siya. Nang hawiin niya ang kurtina na nagsisilbing sarado nito ay ganun na lang ang panggigilalas niya ng makita si Ged na tanging underwear lang ang suot, nakahain sa kanya ang malapad at mamasel nitong mga braso at hita, Wala sa sariling pinagmasdan niya ang kabuuan nito. Hindi niya alam kung paano mag react sa pangalawang pagkakataon na makita ang halos hubad nitong katawan ang pagkakaiba nga lang Ngayon ay narito ito sa kanyang harapan at ilang dangkal lang ang kanilang pagitan. "Enjoying the view?" Nakangiting Saad nito dahilan para matauhan siya. "Excuse me! May kukunin lang ako." Inis na wika niya upang kahit paano ay matakpan ang kanyang pagka pahiya. "Ito ba?" Hindi nawawala ang ngising saad nito. Agad namang nanlaki ang kanyang mga mata ng makita kung ano ang hawak ng dalawa nitong kamay. Ang laze underwear lang naman niya ang hawak nito sa magkabilang side. Kaya't kitang-kita ang maliit na butterfly na design nito sa harap habang sa likod naman ay malaking butterfly. Agad nag-init ang kanyang mga pisngi dahil sa ginawa nito. Kung maaari lang lumubog sa kinatatayuan ay yun ang gagawin niya ng mga oras na iyon. Nang makahuma siya ay nanggigigil sa galit na lumapit siya sa binata saka hinaklis ang hawak nito. "Bastos! Manyakis!" Naiinis na sigaw niya sa kaharap. "Burara." Isang salita na nagmula dito pero agad nagpainit sa kanyang ulo. "Ang kapal mo ha?! Ako pa ang burara?" Umuusok ang ilong sa galit na wika niya. Dahil sa inis niya ay hinampas niya sa mukha ang lalaki. Nawala sa kanyang isip kung ano ang hawak niya. "Hmmm! Smells good." Tumatawag saad nito. At nang mapagtanto na ang kanyang underwear ang lumapat sa mukha nito particular sa may parting bibig nito ay lalo siyang napahiya. "Ahhhhhhhhhh! Kainis!" Naiinis na bigkas niya saka tumalikod at nagmartsa paalis. Narinig naman niya ang malutong nitong halakhak. "Now I know how small you are. Hmmm!" Narinig niyang wika nito na parang may kausap. Dahil alam niyang hindi naman ito nagsasalita ng mag-isa kung walang kalokohan sa isipan ay automatic ang naging paglingon niya dito. At ganun na lang ang galit na umusbong sa kanyang dibdib ng makita kung ano na naman ang hawak nito. Ang kanyang bra na partner ng kanyang panty. Hawak nito sa magkabilang side saka sinusukat sa malapad nitong dibdib. Nagmamadaling tinungo niya ulit ang binata saka walang pasabi na hinablot iyon mula rito. "Nakaka-inis kana!" Aniya sa lalaki suot ang ubod ng seryoso niyang mukha. "Relax! Okay." Nagpipigil ng tawang saad nito. Pakiramdam niya ay binastos siya ng binata ngayon lang ito nangyari sa kanya sa tanang buhay niya. Hindi niya maintindihan kung ano ba ang ugali ng lalaking kasama niya hindi naman ito ganito noong nasa bundok sila. Napaka gentleman pa nga nito roon. Pero ngayon para itong nasaniban ng kung anong esperito. May kasalanan din naman siya. Kung bakit kase nawala sa isipan niyang may kasama nga pala siya ngayon sa kanyang apartment, nahihiya na naiinis siya sa kanyang sarili at sa lalaki. Ito ang kauna-unahang tao na nakakita ng hinubad niya na underwear. Mabuti na lang at nilabhan na niya ito gamit ang kamay bago iwan upang patuyuin sana sa banyo. 'So Embarrassing!' sigaw ng kanyang isip. Dahil sa naramdaman na galit sa lalaki, pagpapahiya at inis sa kanyang sarili. Naghalo-Halo na ang kanyang emosyon. Hindi niya namalayan ang panunubig ng kanya kanyang mga mata, ang naramdaman lang niya ang mainit na likido na bumagsak sa kanyang pisngi. "Don't cry, I'm sorry!" Mahinahong saad nito. Dahil sa narinig ang kanina'y tahimik na pagluha ay nagkaroon ng tunog. Tunog ng kanyang paghikbi. "Shhhh, hush now. I'm really sorry." Muli'y saad nito ng hindi siya sumagot. Saka naglakad palapit sa kanya. "Don't touch me!" Aniya sa lalaki sa pagitan ng pag-iyak ng akmang hahawakan siya nito upang aluin. Bago pa man ito sumagot ay lumabas na siya ng banyo. 'Gosh! Ano na lang ang hitsura namin kung nayakap niya ako. Lahat ng nangyayari ngayon ay first time sa kanya. Ano siya sinuswerte para magpayakap siya sa lalaking yun na tanging brief lang suot. Bakat na bakat pa ang nakaumbok nitong ewan sa harapan. Nang makabalik siya sa kanyang silid ay naupo siya sa kanyang higaan at doon ay ipinagpatuloy ang pagluha. Hiyang hiya siya sa lalaki dahil sa katangahan niya. Bakit ba nawala sa isip niyang hindi siya nag-iisa ngayon. Nang maisip ang lalaki ay agad siyang tumayo at tinungo ang maliit na espasyo sa labas ng kanyang silid na siyang nagsisilbing sala. Ayaw niyang makita ito. Lalo na't alam niyang lalabas ito ng banyo na nakatapis lang ng tuwalya dahil nakita niya ang damit na hinanda nito ay maayos na nakapatong sa kanyang kama. Aminado siyang maganda ang pangangatawan ng binata. Malakas din ang s*x appeal nito at ang kahit sino'ng babae ay nanaisin ang mapalapit dito. Idagdag pa ang angkin nitong kagwapuhan. Kumuha muna siya ng bote ng tubig na maiinom saka umupo sa isang plastic na upuan at binuhay ang kanyang cellphone. Manonood siya ng mga funny videos upang kahit papaano ay mawala sa kanyang isipan ang mga nangyaring kahiya-hiya kanina. Hanggang sa hindi niya namalayan na tumatawa na siyang mag-isa. Nagulat pa siya ng makita ang binata na lumabas sa kanyang silid na nakabihis na. Agad naman itong ngumiti ng makitang nakatingin siya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD