Matapos maluto ang pasta sabay na silang kumain. Hindi niya inakala na ang isang katulad nitong CEO ng Lustre Group of companies ay ito Ngayon sa kanyang harapan at walang arte na kumakain ng pagkaing niluto niya.
"Hindi naman sa pinapaalis kita pero pagkatapos nating kumain gusto ko ng magpahinga." Aniya sa binata dahil pagod na pagod na ang kanyang pakiramdam.
"Kung ganun, sige magpahinga ka muna ngayong araw at bukas na lang tayo luluwas ng Manila." Pahayag nito sa gitna ng pagkain.
"Ano? Anong luluwas?"
Naguguluhan niyang tanong.
"Do you think na matapos ang ginawang pagtatangka sayo ni Marco, ay hahayaan kitang mamuhay pa rito sa paraan na gusto mo?" Nananatiyang tanong nito.
"I am not your responsibility, okay? So don't act like one." Naiinis na wika niya.
"C'mon! Hindi mo alam ang pwedeng gawin sayo ni Marco at ng Step-sister mo."
Nalilitong tiningnan niya ang kaharap. Bakit napasama ang step-sister niya sa usapan?
Sa tingin naman niya ay nabasa nito ang laman ng kanyang isipan.
"Hindi ko pa pwedeng sabihin sayo sa ngayon. Basta ang gusto ko mailayo ka sa lugar na ito." Paliwanag nito sa pamamagitan ng pagpahid ng tissue sa bibig upang punasan ang nagkalat na sauce ng pasta.
"Hindi pwede! Kapag bumalik ako ng Manila malalaman agad ng aking ama kung nasaan ako." Aniya dito. Ayaw pa niyang umuwi gusto niyang magliwaliw at mag enjoy sa kalayaang tinatamasa niya.
"Sa akin ka titira, kung gusto mo mag trabaho ka bilang personal assistant ko. Madali lang ang magiging trabaho mo kayang kaya mo yun." Paliwanag ng binata.
Matapos nilang kumain ay nagpahinga muna siya, naupo siya sa kanyang kama habang nagkakalikot sa kanyang cellphone. Habang si Ged naman ay nagpaalam na babalikan ang sasakyan nito na nakaparada sa tapat ng kanyang apartment upang kunin ang cellphone at damit na pamalit nito. Nang makaramdam ng panlalagkit ng kanyang balat ay tinungo niya ang bathroom upang maligo na muna hindi naman siguro siya hahanapin ni Ged pag balik nito. Bitbit ang damit na pamalit niya ay pumasok na siya sa banyo.
Nagbabad siya ng ilang minuto sa tapat ng shower at ninamnam ang malamig na tubig na bumabagsak sa kanyang katawan. Nang makuntento na sa kapreskuhang nadarama nag sabon na siya ng katawan saka nagbanlaw at tuluyan ng lumabas. Natatakpan lang ng bathtowel ang kanyang kahubdan habang may nakapulupot na head towel sa kanyang ulo upang hindi tumulo ang tubig mula sa basa niyang mga buhok.
Pakanta-kanta pa siya habang tinatahak ang sabitan ng hanger na kinaroroonan ng kanyang damit na isusuot.
Aabutin na sana niya ang hanger ng walang kaabog-abog na bumukas ang pinto ng banyo at pumasok si Ged. Dahil sa pagkagulat ay napuno ng malakas niyang tili ang apat na sulok ng banyo.
"Ahhhhhhh!" Sa pagmamadali niyang makuha ang damit na isusuot ay natataranta niya itong inabot dahilan para mawalan siya ng balanse saka tuluyang bumagsak sa malamig na sahig. Patihaya siyang bumagsak at ramdam niya ang pagsidhi ng kirot sa kanyang paa. Napuruhan ata ang kanang ankle niya. Hinigpitan niya ang hawak sa dulong bahagi ng towel upang hindi ito humulagpos sa kanyang hubad na katawan. Si Ged naman ay parang napatda sa kinatatayuan at hindi na magawang gumalaw nakatitig lang ito sa kanya habang labis na pagkabigla ang nakaguhit sa
mukha. Naiinis siya sa lalaki dahil hindi man lang nito naisipang lumabas man lang muna o tulungan siya. Naiinis na tumayo siya ngunit agad ding bumagsak matapos maramdaman ang pagligid ng sakit ng kanyang ankle.
"Wala ka bang gagawin? Hindi mo man lang ba naisip na tulungan ako dito!?" Naiinis na bulyaw niya sa lalaki. Naluluha na siya sa sakit ng kanyang paa pero nakatunganga lang ito. Para naman itong namalikmata ng makita ang nagagalit niyang mga mata. Kung hindi lang ito nakatulala at pinagpapawisan ng butil-butil ay iisipin niyang nag-e-enjoy ito sa panonood sa kanya.
"Oh' I'm sorry!" Tanging salita na naisatinig nito saka lumapit sa kanya at binuhat siya ng pa bridal style. Sa halip na magsalita siya ay katakot-takot na irap ang binigay niya sa binata. Parang balewala lang naman dito ang naging asal niya. Tahimik siya nitong binuhat at paupong ibinaba sa kanyang kama. Kinuha rin nito ang oil na pwedeng ipanghilot sa kanyang nasaktan na paa. Hindi niya akalain na magaling mag masahe ang lalaki dahil sa saglit na pagmasahe nito ay nabawasan ang sakit na kanyang nararamdaman.
Hindi niya maiwasang pamulahan ng mukha ng marealize na wala siyang kahit anong saplot sa katawan maliban sa tuwalya na tumatakip sa kanyang kahubaran. Hindi niya ma-imagine kung gaano na kapula ang kanyang mukha ngayon. At kung nasilipan na ba siya ng binata na hanggang ngayon ay hinihilot ang kanyang paa. Nakaupo siya sa gilid ng kanyang kama at ang kanyang paa ay nasa lapag. Habang ang binata naman ay nakaluhod sa kanyang harapan. Hindi ito makatingin sa kanya ng diretso at nakatutok lang ang paningin sa ginagawa. Hindi pa rin tumitigil ang daloy ng pawis mula sa noo nito. Matapos ang ilang minutong paghilot nito ay tumayo na ito.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" Kapagkuwan ay tanong nito.
"Okay na ako. Salamat!" Hindi tumitingin dito na saad niya. Kahit papaano ay nawala ang sakit na nadarama niya kanina, ng subukan niyang itayo ang kanyang paa ay kaya na niya dahil hindi na muling sumigid ang sakit.
Ang binata naman ay pumasok na sa loob ng banyo. Ngunit hindi pa man ito gaanong nagtatagal sa loob ng banyo ay lumabas na rin agad bitbit ang damit na hinanda niya kanina para isuot.
"Here are your clothes." May ngiti sa labi na wika nito. Dahilan para irapan niya ang lalaki.
"Thanks!" Padaskol na sagot niya.
Narinig pa niya itong tumawa bago tuluyang tumalikod at bumalik sa banyo.
Siya naman ay tumayo na upang magbihis. Nagmamadali siya sa kanyang bawat galaw sa takot na bumalik agad ang lalaki at makita na naman siya sa hindi kaaya-ayang sitwasyon. Hindi pa talaga siya sanay na may ibang tao na kasama sa isang silid at laging may nakasalubong na ibang tao sa kanyang silid dahil lumaki siya sa mansion at mayroon siyang sariling silid.