Chapter Eleven

1012 Words
"Pinapasabi pala niya na sorry daw sa mga nangyari, sa Manila na lang daw siya makikipagkita sayo para makapag-usap kayong dalawa. Nahihiya din kasi yun kay fafa Ged. Nakakaawa nga mula kagabi pa yun umiiyak hanggang pag-alis kanina umiiyak pa rin. Hiyang-hiya kasi siya ating lahat dahil bukod sa pinsan niya si Marco ay siya rin ang nag-aya dito na sumama." Mahabang paliwanag nito. Saka siya niyakap. "Pa-pasensya na kayo sa nangyari, siguro kung hindi ako umalis kagabi hindi naman mangyayari lahat ng yun." Umiiyak na paliwanag niya. "Ano kaba wala kang kasalanan no? Atsaka sanay na kami na mahilig kang tumambay sa mga gilid gilid diyan, dahil sa kakapanood mo sa mga bituin. Si Marco ang may malaking kasalanan sayo girl. So cheer up na okay?" Anito sa kanya saka inangat ang kanyang baba. Natatawa siya nitong binitawan. "Ang pangit mong umiyak! Last na yan ha." Tumatawag saad nito. Dahilan para tumawa na rin siya. Sa kanilang dalawa talaga ni Fiona, si Anne ang may pagka kalog kaya madalas batukan ni Fiona. Masayang naglalakad ang grupo nila Maricon, pababa ng bundok. Puro tawanan at kulitan ang maririnig mula sa kanilang mga kasama, habang siya at si Ged ay tahimik lang. Ang lalaki na rin ang nag presinta na magbuhat ng kanyang foldable tent. dahil may kabigatan din ito, wala na din siyang nagawa ng ito na mismo ang kumuha nun sa kanyang kamay. Nahihiya man siya sa lalaki at sa kanilang mga kasama sa pwede ng mga iyong isipin sa kanya isinantabi na lang muna niya iyon, at enenjoy ang atensyon na binibigay sa kanya ng lalaki. Katulad ngayon kanina pa ito nakaalalay sa kanya. Hindi rin niya maipaliwanag ang kakaibang pakiramdam niya sa tuwing nasa malapit lang ito, bumibilis ang t***k ng kanyang puso at nararamdaman niya ang pagdaloy ng malakas na boltahe ng kuryente sa kanyang katawan sa tuwing hinahawakan nito ang kanyang kamay upang maalalayan siya ng maayos at sa tuwing hindi sinasadyang magdikit ang kanilang mga balat. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganun. Kaya napaka unfamiliar pa nito sa kanya. Bago sila bumaba ng bundok ay nagpalitan na sila ng contact number upang pagbalik nila ng Lungsod ay mayroon silang komunikasyon sa isa'-isa at magkaroon ng pagkakataon na magkita-kita kapag pare-pareho silang hindi busy. Naiilang siya sa tuwing magtatama ang mga mata nila Anne, dahil nababasa niya sa mga mata nito ang panunukso. Aaminin niya na ang pagpunta niya ng Baguio ang unang beses na nakaramdam siya ng kapayapaan at kalayaan. Walang mga bodyguards at hindi limitado ang kanyang galaw. Dahil simula pagkabata niya ay palagi ng may nakabuntot sa kanyang bodyguard at kasambahay, limitado rin ng kanyang ama ang mga bagay na pwede lang niyang gawin. Dati ay nauunawaan niya ito na marahil ay mahal na mahal lang siya nito, pero ng mag-asawa itong muli ikinainis na niya ang lahat ng bagay na ginagawa ng kanyang ama para sa kanya. Nang sapitin nila ang paanan ng bundok madamdaming nagpaalam sa kanya si Anne, habang maluha-luha ang mga mata nito. Siya man ay naluluha rin ng magpaalam dito at magpasalamat ganun din sa iba pa nilang mga kasama, kabilang na si Ged na kanina pa tahimik sa isang tabi. May pakiramdam din siya na nalulungkot dahil hindi manlang siya nakapag paalam ng maayos kay Fiona, naging malapit na sa kanya ang dalawa nakakahiya man aminin na sa edad niyang bente tres ngayon pa lang siya nagkaroon ng mga kaibigan. Maliban sa kanyang Secretary na si Linda. Ilang sandali pa ay pasakay na ang mga ito sa kanya-kanyang magarang sasakyan hindi maitatanggi na nagmula talaga ang mga ito sa may sinasabi na pamilya. Si Anne ay nakasakay sa passenger seat ng kotse ni Dennise habang si Andre at Raymond at ang iba pa nilang kasama ay mayroon ng kanya-kanyang sasakyan. Bago tuluyang umalis ay kumaway pa ang mga ito sa kanya, habang si Anne ay bumaba pa sa sasakyan at tumatakbo na lumapit sa kinaroroonan niya. "Ba-bye na bakla! Mag-ingat ka palagi. Magkita na lang tayo sa Manila." Anito sa kanya na walang patid ang pagluha. "Ang OA mo talaga! Sige na naghihintay si Dennise sayo, mahiya ka nga!" Kunwa'y galit na wika niya. Naluluha na wika niya. "Ito naman, parang others." Nakangiting saad nito. "Bye na! Love you!" Hindi pa man siya nakaka sagot ay tumakbo na ito pabalik sa sasakyan. "Bye!" Sigaw na lang niya. Saka gumanti ng kaway sa kaibigan ng magsimula ng imaniobra ni Dennise ang kotse nito. Habang si Ged naman ay Ngayon pa lang kinukuha ang sariling sasakyan kahit kanina pa nakaalis ang mga kasama nito. Dahil sa kagustuhan niyang umuwi na ay dinampot na niya ang kanyang foldable tent na nakapatong sa bato. "Bye!" Sigaw niya upang marinig nito saka kumaway at nag mwestra na aalis na siya. Hindi naman ito sumagot kaya nagsimula na siyang maglakad palayo. Malapit lang naman ang kanyang apartment kaya't makukuha niyang makarating doon sa loob lang ng ilang minutong paglalakad. Nakakailang hakbang pa lang siya ng may sasakyan na bumusina sa kanyang likuran, hindi na siya nag abala pang lumingon tumabi na lang siya sa gilid ng kalsada. Ngunit huminto ito sa kanyang tapat. "Hope in." Ani ni Ged. Nakakunot noo naman siyang napatingin dito. Baka nagkakamali lang siya ng dining. Pero hindi ito natinag sa pagtitig sa kanyang mukha. "Hurry up, get in." Ulit nito sa sinabi. Hindi nga siya nagkamali sa kanyang narinig pinapasakay siya nito. "Huh? Bakit?" Nalilitong tanong niya. "Ihahatid na kita." Nakangiting wika nito. "Ah wag na malapit lang naman dito ang apartment ko." "C'mon, ihahatid na kita." Anito sa kanya at sa ilang segundo lang ay nasa tabi na niya ang lalaki at nakuha na ang kanyang mga dala. Ilang sandali pa ay nasa apartment na si Maricon at nagluluto ng sa harap ng kalan dahil nagugutom na siya at upang may pagkaing maihain sa binata para makakain muna ito bago umalis. Matapos siyang ihatid kanina ay nagsabi itong nais nitong makita ang tinutuluyan niya kaya't bilang kagandahang asal inaya niya ito sa loob na agad naman nitong pinaunlakan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD