Dahil hindi niya magawang kumalma sa kabila ng mahigpit na yakap ni Ged at ng mga haplos nito, dahil pakiramdam niya ay lalo lang lumakas ang t***k ng kanyang puso parang mas lalo siyang kinabahan sa presensya ng lalaki. Matapos niyang uminom ay kinuha na muli ni Anne ang tumbler saka tahimik na lumabas, sumunod na rin dito ang iba pa nilang kasama na nasa loob din ng malaking tent ni Ged. Kaya't naiwan silang dalawa sa loob.
Marahil ay matutulog na rin ang mga ito dahil malalim na ang gabi.
Nang maiwan silang dalawa ng binata ay muli siyang kinabig nito upang yakapin.
"Wag kang mag-alala walang nangyaring masama sayo. At gagawin ko ang lahat upang pagbayaran ng Marco na yun ang mga ginawa niya." Naninigas ang panga na wika nito. Nararamdaman niya na galit ito dahil sa marahas nitong paghinga.
"Salamat!" Naiiyak na wika niya.
Maya-maya lang ay nakaramdam na siya muli ng antok at napansin naman yun ng binata.
"Matulog ka na ulit. Sweet dreams!" Mahinahong wika nito. Bago pa man siya makapalag ay inalalayang na siya nitong humiga.
"Matulog kana, babantayan kita." Nakangiting wika nito, matapos siyang ihiga.
Maya-maya lang ay naramdaman na niya ang pagbigat ng talukap ng kanyang mga mata. At bago pa man siya tuluyan kainin ng karimlan ay nararamdaman niya ang malambot na labi ng binata na lumapat sa kanyang noo.
Kinabukasan nagising ang dalaga dahil sa sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Marahil ay tanghali na kaya't pumapasok na ang sikat ng araw sa loob ng tent na kinaroroonan niya. Akmang babangon na siya ng maramdaman niya na may mabigat na nakadagan sa kanyang bewang. Nabigla siya ng makita ang isang maugat na braso ng lalaki na nakayakap sa kanya. Agad siyang tumingala upang kilalanin kung sino ang nasa kanyang tabi, at ganun na lang ang gulat niya ng makita si Ged na payapang natutulog. Naguguluhan niyang iginala ang kanyang paningin sa paligid at ddoon niya napagtanto na wala siya sa kanyang sariling tent. At nasa tent siya ni Ged, base sa camouflage na kulay nito. Hindi niya maiwasang hindi igala ang kanyang paningin sa kabuuan ng naturang tent. Napaka linis at nasa ayos ang lahat ng gamit ng lalaki. Daig pa nito ang isang babae sa pagsisinop ng sariling gamit. Agad siyang pinamulahan ng mukha ng mapagmasdan naman niya ang ang ayos nila sa higaan. Nakaunan ang kanyang ulo sa isa nitong bisig, habang ang isa nitong braso ay nakapulupot sa kanyang bewang. Sa takot na magising ito ay hindi siya nakapag pasiya kung babangon na ba siya sa takot na magising ito. Nakaramdam din siya ng hiya dahil na realize niya ang pwedeng sabihin at isipin ng kanilang mga kasama kapag nakita siya ng mga ito na lumabas ng tent ng lalaki. Ano na lang ang sasabihin ni Anne at Fiona sa kanya? Nakakahiya! Hindi pa naman magandang tingnan na makitang natutulog ng magkatabi ang isang lalaki at babae sa isang higaan.
'My gosh! Maricon. What did you do?!' nag-iinit ang mga pisngi ng kastigo niya sa kanyang sarili.
Panandalian ding nawala sa kanyang isipan ang mga nangyari ng nagdaang gabi. Dahil pakiramdam niya ay safe siya sa tabi ni Ged.
Nakaramdam siya ng paninigas sa kanyang katawan ng biglang gumalaw ang binata sa kanyang tabi. At lalo pa nang hapitin nito ang kanyang katawan malapit dito. Dahil sa pag-iisip niya ng kung anu-ano mas lalo na siyang nawalan ng pagkakataon na makaalis sa tabi ng lalaki, dahil mas lalo pa itong sumiksik sa kanya animoy isang sanggol..
Ngayon ay abala ang lahat sa pag-iimpake ng kani-kanilang mga gamit. Ngayong araw nila napagpasyahan na bumaba na ng bundok. Kailangan ng bumalik ng kanilang mga kasama sa Manila dahil may kanya-kanyang trabaho ang ito sa lungsod. Habang siya ay nagpasyahan pang manatili sa Baguio at dito na lang siya maghahanap ng pansamantalang trabaho, upang may magastos siya. Ayaw naman niyang maubos agad ang perang dala niya. Siguro naman ay hindi sasabihin ni Andrea sa kanyang Ama kung nasaan siya dahil ang mawala siya sa kanilang mansion ang isang bagay na gustong gustong mangyari nito at ng step-mother niya. Dahil nais ng mga ito na masulo ang kanyang Ama, at ang mga kayamanan at ari-arian na naiwan ng kanyang ina. Kung magsumbong man si Andrea at sabihin sa kanyang ama na nasa Baguio siya, naniniwala siya na hindi pa rin siya nito mahahanap dahil malawak naman ang Baguio, idagdag pa na sa liblib na lugar siya kumuha ng apartment, sa lugar na hindi iisipin ng kahit sinong nakakakilala sa kanya na pupuntahan at titirahan niya. Hindi rin alam ni Andrea kung saan siya tumutuloy dahil sa bundok na sila nagkita. Dahil sa naisip ay naging panatag siya. Nang maisip niya ang babae agad niyang iginala ang kanyang mga mata sa kanilang mga kasama nguni't hindi niya ito nakita sa umpukan ng kanilang mga kasama. Maging si Marco, Ellise at Fiona ay wala na rin sa lugar. Tanging si Anne ang naririto sa kanyang tabi at ang iba pa nilang kasama.
"Hinahanap mo ba si Fiona?" Tanong sa kanya ni Anne. Nagulat man sa biglang pagsasalita nito ay sumagot na rin siya.
"Oo e, hindi ko kasi siya nakita simula kaninang umaga." Aniya rito.
"Maaga silang umalis kasama na ang magkapatid niyang pinsan at ang ipokrita mong step-sister." Halata ang inis na wika nito.
"Huh? Bakit? Diba tayo ang kasama ni Fiona!" Naguguluhan saad niya.
"Oo. Ang problema, wala na daw siyang mukhang ihaharap sa'yo, matapos ang ginawa ng walang hiya niyang pinsan." Mahabang saad nito.
Ilang sandali siyang natigilan naaawa siya kay Fiona, dahil wala naman itong kasalanan sa mga nangyari pero naiipit ito ngayon sa sitwasyon.
"Wag kang mag-alala hindi yun galit sayo. Hindi kagaya ng step-sister mo na siya pa Ang galit matapos ang nangyari kagabi. Kuuu! Ang kapal talaga ng mukha ng pakoy na yun!" Nanggigil na wika nito.
Siya naman ay nagyuko na lang ng ulo. Ine-expect na niya na sa kabila ng ginawa ni Marco ay siya pa ang lalabas na masama sa mga mata ni Andrea, kahit kapwa babae niya ito.