Chapter Nine

1007 Words
Habang si Andrea ay nanatiling nakayuko at hindi magawang tumingin sa kanya. Isang sampal naman ang dumapo sa kanyang pisngi na galing sa kanyang kapatid na si Ellise. Saka siya binigyan ng nandidiri na mga tingin. Alam niya na nakapangasawa ng mayaman ang Ina ni Andrea, pero hindi naman niya inakala na si Mr. Ramirez pala ang naging asawa nito at mas lalong hindi niya inakalang si Maricon ang nag-iisang anak ng kilalang Business tycoon sa bansa. Kung ganun ay totoo nga naka bingwit ng mayaman na lalaki ang mag-ina.Tinanggap niya ang alok ni Andrea dahil malaking pera rin iyon na gagamitin niya para sa kanyang mga bisyo. Unti-unti ng lumulubog ang kanilang mga negosyo kaya't hindi na siya gaanong binibigyan ng allowance ng kanilang ama. Idagdag pa ang kagandahan at kainosentihan ng mukha nito na unang kita palang niya ay may kung ano ng binuhay sa kanyang sistema. **Ged** "f**k! f*****g s**t! f**k you Marco Fernandes!" Galit na sigaw niya sa kanyang isip. Nakakailang mura na siya sa kanyang isipan. Mula ng maabutan ang kaawa-awang sitwasyon ng dalaga kanina. "f*****g Marco! Si-siguraduhin ko na magbabayad ka!" Nagagalit ang mga ngiping saad niya. Sisiguraduhin niyang magbabayad ng malaki si Marco dahil sa ginawa nito. Paakyat sila ng bundok ng aksidente niyang marinig ang pag-uusap nito at Andrea. Ang mga plano na gagawin nila para masira ang dalaga. Mabuti na lang at nakunan niya ito ng ebidensya. Pero alam niyang hindi papayag si Maricon na gamitin ang ebidensya na iyon, para gumanti sa dalawa at kahit siya hindi niya nanaising mapahiya at makaladkad ang pangalan ng dalaga sa ganoong sitwasyon. Kaya naman sa ibang paraan siya babawi. Tiniis niyang makita ang malungkot na mga mata ni Maricon kanina, ng makita siya nitong katabi at nilalandi ni Andrea sa harapan nito. Hinayaan niya ang babae na dumikit sa kanya, sa pagbabakasali na sa pamamagitan nun ay maprotektahan niya si Maricon, pero bigo siya dahil kahit nasa kanya ang atensyon nito ay gumagalaw na si Marco, hindi niya inakala na magagawa ni Marco ang ganung bagay, dahil katulad nila ay nagmula din ito sa may sinasabi na pamilya at mayroong pangalan na kailangan ingatan. Sabagay sa pagkakaalam niya ay papalubog na ang mga negosyo ng mga ito, kaya't maya't-maya ang ginagawa ng mga itong pag-papa- appointment sa CEO ng Lustre Group of companies. Dahil naghahanap ang mga ito ng mag sasalba sa kanilang mga negosyo. Akala niya nagawa niyang paglaruan si Andrea hindi niya inakalang siya ang pinaglalaruan ng dalawa. At ang mas nakakagalit pa ay dahil sa maling desisyon niya ay muntik ng napahamak si Maricon. Hindi niya akalain na parehong maitim ang budhi ng dalawa. Nang magpaalam ang lalaki kanina na iihi ito ay pinag walang bahala niya, pero ng lumipas na ang ilang minuto na hindi pa ito bumabalik kinabahan na siya kaya't walang paalam siyang tumayo at naglakad paalis. Saka nagtungo sa daan na tinahak ni Maricon kanina. At s**t! Kung nahuli pa siya ng ilang minuto baka kung anong nangyari dito, at siguradong hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili. Aaminin niyang may special na siyang pagtingin sa dalaga. **Maricon** Nagising siya dahil sa ingay na naririnig sa kanyang paligid. Nagtaka pa siya kung bakit nakahiga na siya sa isang may katamtamang lambot na higaan sa loob ng isang tent. Saglit siyang natigilan ng maalala niya ang mga nangyari. Agad siyang napabalikwas ng bangon ng napagtanto na wala siya sa kanyang sariling tent. Umiiyak na umupo siya sa higaan saka ipinatong ang kanyang mukha sa dalawa niyang tuhod. Patuloy sa pagpatak ang kanyang mga luha habang nanginginig ang kanyang katawan sa takot. Ipinikit niya ang kanyang mga mata saka nagmakaawa habang walang humpay sa kanyang pag-iyak. "Wag po! Parang mo na, wag po!" Umiiyak na saad niya. Nanatili siyang nakapikit upang hindi makita ang lalaking nagtangka sa kanya at ang mga kasama nito. Na ngayon ay mga tahimik na, at wala na siyang naririnig na ingay mula sa mga ito dahilan para lalo siyang kabahan. "Ssshhhh, tahan na, you are safe now." Nabigla pa siya ng marinig ang baritonong boses ni Ged. "Anong nangyari sa akin? Sino yung lalaking naka bonnet ng itim? At bakit ako nandito. Ikaw ba yun?!" Umiiyak na tanong niya sa lalaki. nito. Sa halip na sumagot isang malalim na paghinga ang narinig niya mula sa lalaki. Habang ang mga kasama nila ay tahimik lang sa isang tabi. Nakita pa niya si Anne na umiiyak. "Si Marco." Tipid na sagot nito. Nagulat naman siya sa nalaman. 'Si Marco? Pero bakit?' piping tanong niya sa kanyang isipan. "Anong ginawa niya sa akin?" Lumuluhang tanong niya. Ilang segundo ang lumipas at maayos naman ang pakiramdam niya. Wala siyang nararamdaman na kakaiba sa kanyang sarili. "Nothing. He cannot do anything against you. Dahil dumating ako." May galit sa boses na wika nito. Dahil doon ay napa hagulgol siyang muli ng iyak. Kahit paano ay kumalma siya ng yakapin siya ng binata at ikulong sa matitigas nitong braso. Pero nanatili ang walang patid na pagdaloy ng kanyang mga luha sa kanyang pisngi, sa kabila ng mahigpit na yakap ng binata ay patuloy pa rin ang panginginig ng kanyang katawan sa takot, sa tanang buhay niya ay Ngayon lang siya nakaranas ng ganito ang pagtangkaan ng ganun. Takot na takot siya sa lalaking nakasuot ng bonnet. Hindi niya maiwasang mag over think sa mga nangyari. Paano kung nagtagumpay ito sa masama nitong balak sa kanya? Paano kung hindi dumating si Ged? Paano niya ibabalik at ipagpapatuloy ang kanyang normal na buhay? Umiyak siya ng umiyak dahil sa kanyang mga naisip. Wala na siyang pakialam kung mabasa man ng kanyang luha ang dibdib ng binata, habang nakakulong siya sa mahigpit at mainit nitong yakap. Wala siyang narinig na kahit ano dito, tanging ang malalakas na paghinga ng lalaki ang kanyang naririnig habang hinahaplos ang kanyang likod. Ilang sandali pa ay pumasok si Anne, dala ang kanyang tumbler na naglalaman ng inuming tubig. Humiwalay siya sa binata upang makainom siya, pakiramdam niya ito ang kailangan niya upang kumalma siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD