Chapter Eight

1011 Words
Nang makita ni Andrea na umalis si Maricon, alam niyang nasasaktan ito ngayon. Naglabas pa siya ng mga inumin at nilakasan ang volume ng speaker. Kantahan, inuman at tawanan ang namayani sa lugar. Nang mapansin naman ng lalaki na ang lahat ng tao ay nag-enjoy na sa set pasimple siyang umalis sa lugar, upang sundan si Maricon, nag paalam siyang naiihi. Bago tuluyang umalis nagbigay pa siya ng isang sulyap kay Ged, na Ngayon ay abalang abala kay Andrea. Nice Andrea! Nagawa mo ang plano. Aniya sa kanyang isip saka may ngiti sa labi na tuluyan ng nilisan ang grupo. Hindi naman siya nahirapang hanapin ang dalaga dahil kanina pa siya nakasubaybay sa lahat ng kilos nito. Bago tuluyang lumapit kay Maricon, sinuot muna niya ang kanyang nakahanda ng kulay itim na bonnet na nasa kanyang bulsa. Nang makalapit sa dalaga agad niya itong niyakap ng mahigpit. Nagpupumiglas ito subalit walang magawa dahil ang dalawa nitong braso ay kasama ng katawan nitong yakap niya. "Ano ba!? Sino ka?" Sigaw nito habang pumipiksi. Pero balewala lang sa kanya dahil alam niyang walang makakarinig dito. "Sino kaba? Tu-tulong! Tulungan niyo ako!" Muling sigaw nito. Habang siya ay nag umpisa ng paliguan ng halik ang batok ng babae. Dahilan para lalo itong magpumiglas at mag sisigaw upang humingi ng tulong. Dahil sa takot niya ay walang ingat na pinihit niya ang katawan nito paharap sa kanya. "Si-sino ka?" Nahihintakutang tanong nito ng makitang nakasuot siya ng bonnet. Sa halip na sumagot ngumisi lang ang lalaki sa dalaga. At dahil sa takot na hindi matuloy ang kanyang balak dito kapag may nakarinig sa ingay na ginagawa ng babae. Isang malakas na suntok sa sikmura nito ang ginawa niya, dahilan upang tuluyan itong manahimik matapos nitong mawalan ng malay. Sayang malaking Pera pa naman ang kapalit ng kanyang gagawin bunos nalang ang nakakaakit na kagandahan ng babae na nakahain sa kanyang harapan. Maingat niya itong hiniga sa malapad na bato, saka pinaglandas ang kanyang mga labi sa leeg nito malayang nakalabas sa bonnet na kanyang suot ang kanyang mga labi, kaya't walang sagabal na ginagawa niya ang kanyang nais. Ubod lakas niya ring hinila ang blouse nito dahilan ng pagkasira niyon. Tuluyang lumantad sa kanyang paningin ang mayaman at makinis nitong dibdib na nakapaloob sa natitirang maliit nitong saplot doon. Nasisiyahan niya itong pinagmasdan. Unang kita pa lang niya dito ay may kung ano na itong binuhay sa kanyang sistema. Para itong isang masarap na putahe na nakahain sa kanyang harapan. Tatanggalin na sana niya ang bra nito ng biglang may malakas na pwersa na humila sa kanya palayo sa nakahigang dalaga. Bago pa man siya makabawi sa kanyang pagkagulat ay isang malakas na suntok ang tumama sa kanyang mukha. Putok ang kanyang labi kaya't agad niyang nalasahan ang dugo mula rito. Na sinabayan pa ng malakas na tadyak sa kanyang sikmura dahilan para ma-out balance siya, napasandal siya sa malapad na bato at mula roon ay ramdam niya ang hapdi sa kanyang likuran dahil sa pag sadsad niya roon. Nakahandusay na siya ay hindi pa rin siya tinigilan ng binata tuloy-tuloy pa rin ito sa pagbibigay ng malakas na tadyak sa iba't-ibang bahagi ng kanyang katawan. Gusto niyang tumakbo palayo rito bago pa siya nito makilala, hindi niya akalain na si Ged ang nasa kanyang harapan. Bago pa siya maka alis sa kanyang pwesto ay itinayo siya nito saka hiniklas ang bonnet na suot niya. Lalo naman itong nagalit ng makilala siya. "Ta-tama na. Parang awa mo na pare." Nagmamakaawang saad niya. Nahintakutan siya sa nakikita niyang galit sa mga mata nito. "Maawa? Putang ina Marco, hindi ka nga naawa sa babaeng walang kalaban laban sayo!" Nanggigil na sigaw nito. "Pare tama na yan. Baka mapatay mo yan." Humahangos na awat dito ni Raymond at Andrew. Saka mahigpit na hinawakan ang lalaki. Kahiya-hiya man ang kanyang sitwasyon na naabutan ng mga ito pero nagpapasalamat siyang dumating ang mga ito. Gulat na gulat ang lahat sa naabutang tagpo. Agad namang lumapit si Ged kay Maricon, hinubad nito ang Jacket na suot saka sinuot sa hubad na katawan ng walang malay na dalaga. Agad naman siyang nilapitan ng kapatid niyang si Ellise habang umiiyak ito. "Walang hiya ka! Pinagsamantalahan mo ang kaibigan ko." Malakas na sigaw ni Anne. Saka siya binigyan ng malakas na sampal sa pisngi. "Tumigil ka na Anne! Wag na wag mong sasaktan ang kapatid ko sa harapan ko!" Sigaw dito ni Ellise. "For sure si Maricon ang nagpakita ng motibo kaya nangyari ito." Susog naman ni Andrea. "Aba't walang hiya kayo!" Susugod pa sana ito ngunit maagap itong pinigilan ni Dennise. "Hindi ganung klase ng babae si Maricon, Andrea. Alam mo yan!" Galit na wika ni Ged sa babae. "Hindi mo pa siya lubos na kilala Ged!" "Oo hindi ko pa siya lubos na kilala, pero ikaw? kilalang kilala kita, kayong dalawa ni Marco kilala ko kayo. At nakahanda akong kilalanin pa kayo! At sisiguraduhin kong magbabayad ang kung sinumang may pakana ng lahat ng ito. In the first place alam ko at inaasahan ko ng mangyayari ang lahat ng ito." Galit na wika ni Ged. Na agad naman ikinaputla ng mukha ni Andrea. Maging si Marco ay nakaramdam din ng takot. Samantalang makikita naman ang pagkalito sa mukha ng kanilang mga kasama. Nang tumalikod na si Ged, habang parang sanggol na nasa bisig si Maricon. Sumunod na rin ang kanilang mga kasama. Maliban kay Elisse, Andrea at Fiona na kanina pa umiiyak. "Bakit mo ginawa yun Marco?" Umiiyak sa galit na tanong ni Fiona. Nagyuko na lang siya ng ulo sa kawalan ng masabi. "Alam mo ba kung sino ang binangga mo? Alam mo ba kung ano ang kayang gawin ng mga Lustre at Ramirez sa ating mga negosyo?! At kung gaano kalaki ang magiging impact nun sa ating mga magulang?" Umiiyak na sumbat ni Elisse sa kanya. "Nakakahiya ka! Nakakahiya kang maging pinsan. Pervert!" Galit na galit na sigaw ni Fiona, saka tuluyan ng umalis. Wala siyang naging tugon sa lahat ng mapapangit na salita na natanggap mula sa mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD