Chapter Seven

1036 Words
Wala sa loob na tinahak niya ang daan patungo sa batis. Hanggang sa may marinig siyang hagikhik ng mga babae. Ipagwalang bahala na lang niya ito, ngunit naintriga siya ng makilala ang boses ng isa mga ito. "Daks sis! Grabe yummy pala siya." Matinis na wika ni Andrea sa kaibigan nito. Nasa lilim ng isang puno ang dalawa habang nagkukwentuhan. "Pero sis, ayon oh. Mas Daks at yummy yun." Turo naman ni Ellise sa dulong bahagi ng daan gamit ang kanyang bibig. Pati siya ay napasunod kung ano ang tinuro nito. At ganun na lang ang kanyang paninigas ng makita ang malapad at hubad na katawan ni Ged. Habang boxer lang ang suot nito na pang ibaba. Nakalantad din ang mahaba nitong biyas na may mga kulot na balahibo na lalong nagpatingkad sa lalaking lalaki na anyo nito. Maging ang dibdib nito ay may balahibo at may mga butil ng pawis na nalalaglag dito na nagmumula sa pawisang noo ng binata. Napa hot nitong tingnan, kahit sinong babae ang makakita rito marahil ay parehas lang ng reaksyon nila Andrea ang magiging reaksyon. Nakataas pa ang isa nitong braso upang alalayan ang container na nakapasan sa balikat nito. Hindi na niya nagawa pang ihakbang ang kanyang mga Paa. Marahil ay namumula na siya ngayon dahil sa mga bagay na naglalaro sa kanyang isipan. "Good morning! Miss Beautiful." Nakangiting bati nito sa kanya, gamit ang husky na boses. Na nagpapakilig sa kanyang sistema. "Go-Good morning!" Nauutal na wika niya. Narinig pa niya na pilyo itong tumawa, habang hindi inaalis ang mga mata sa kanyang mukha. Marahil ay pulang pula na siya ngayon. "Wait for me here, I will be right back. Sasamahan na kita sa batis." Anito sa kanya. Ilang sandali pa ay nakita na lang niya ang sariling nakatayo sa tabi ng daan at naghihintay sa lalaki. Hindi niya alam kung bakit sinusunod niya ito. Pwede naman siyang umalis na dahil alam naman niya ang daan patungo roon, pero pinili niyang mag-stay gaya ng sabi ng binata. Sa batis ay masayang nagtatampisaw ang magkakaibigan. **Ged** Hindi mapigilan ni Ged, ang hindi pagmasdan ang mala dyosang kagandahan ni Maricon, na hindi maitatanggi sa kabila ng pagiging simpleng babae nito. Kung hindi mo kilala ang ama nito na isang business tycoon ng bansa, a akalain mong isa lang itong ordinaryong tao na naliligo at naglalaba sa batis. Mamula mula na ang kutis nitong malalabanos dahil sa pagkabilad nila sa Araw. Napapangiti na lang siya sa tuwing iniisip niya ang kainosentihan ng babae. Hindi na niya napansin kung gaano na Siya katagal nakatitig sa dalaga. Habang si Maricon ay kanina pa pulang pula ang mga pisngi dahil sa panunukso ng mga kaibigan nito sa kanya. "Aminin mo na Con, matagal na ba kayong magkakilala?" Muling tanong ni Anne sa kanya. "Hindi nga, ano ba kayo." Nahihiya niyang saad. "Sus, ayaw pang aminin!" Natatawang saad naman naman ni Fiona. "Ngayon ko lang talaga sya nakilala, promise." Kanina pa siya nahihiya at nangangamba na baka marinig na sila ng binata. "Okay, stop na ako." Pagsuko ni Fiona. "Pero teka, Fiona, bakit nandito ang dalawang impakta?" Tanong ni Anne sa kaibigan. Dahilan para makuha na naman ng mga ito ang atensyon niya. "Hindi ko din alam, si Marco lang ang alam kung susunod dito dahil kaibigan din siya nila Dennise." Paliwanag ni Fiona. Dahilan nito ay Si Marco ang ka-close nito at hindi si Elisse, dahil katulad ni Andrea ay mas hilig ni Ellise ang social life kesa sa mag Mountain climbing. Kaya't wala rin itong idea kung bakit sumunod sa Baguio ang dalawa. Magda-Dapit hapon na at tinatahak nila ang daan patungo sa mas mataas na bahagi ng bundok. Upang doon magpalipas ngayong gabi. At doon ituloy ang Bonfire na plano nilang gawin noong nakaraang Gabi. Bukas ng hapon nila napagkasunduan na bumaba ng bundok. Ilang gamit lang ang dinala niya. Dahil balak nilang tatlo ni Fiona at Anne, na mag share sa malaking tent ni Fiona na good for four to five person. Madilim na ang paligid at walang buwan Ngayon. Alas Diyes na ng gabi ayon sa kanyang relong pambisig. Masayang nag-iinuman ang grupo at kanina pa siya naiinis hindi niya alam kung ano ang kanyang nararamdaman, nakakailang tagay na siya at wala siyang pakialam sa kanyang paligid. Maging si Fiona ay Busy kay Raymond at si Anne naman ay masayang nakikipag harutan kay Dennise. Habang si Marco ay kanina pa panay ang malalim na titig sa kanya, na sa tuwing nahuhuli niya ay agad iiwas ng tingin. Si Ged naman ay kanina pa sa kandungan ni Andrea. Kaya inis na inis siya, habang si Ellise ay may partner na rin doon na hindi na niya matandaan ang pangalan. Naiinis siya sa binata. Dahil konting landi lang ni Andrea dito ay bumigay na agad ito. Dahil sa inis at dahil nakainom na din siya ay tumayo siya, hindi na niya nagawa na magpaalam sa grupo kay Anne lang niya sinabing magpapahangin lang siya ng makita niya ang nag-uuri nitong mga mata. Hindi niya kayang pangalanan ang sakit na naghahari Ngayon sa kanyang dibdib. Nasasaktan siya sa tuwing dumadapo ang kanyang paningin sa dalawa na sobrang lapit ng mga mukha sa isa't-isa. Alam niyang marahil ay may tama na si Ged, dahil kanina pa ito umiinom. Subalit, naiinis pa rin siya na parang wala lang sa lalaki ang kanyang presensya. Tahimik niyang tinungo ang kabilang bahagi ng bundok. Umupo siya sa isang bato na naroon. Saka tahimik na pinahid ang luha na pumatak sa kanyang mga mata. Akala niya sa kauna-unahang pagkakataon ay mayroon ng taong pipiliin siya pero bigo siya. Bigo pa rin siya! Naawa siya sa kanyang sarili dahil walang tao ang gustong mag-stay sa kanya. Lahat ay ayaw siya at inayawan siya. Una ang kanyang Daddy. Pangalawa si Jake at ngayon si Ged, at ang masakit pa sa lahat ang umaayaw sa kanya ay Si Andrea ang pinipili. Bakit pakiramdam niya ay lagi siyang pumapangalawa lang dito. "Mommy, kung nandito ka lang hindi ko daranasin ang lahat ng ito. Dahil alam ko, ako at ako lang ang pipiliin mo hanggang sa huli. I miss you mom. Sana masaya ka na ngayon kasama ng mga bituing madalas kung tingalain."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD