Ilang sandali pa silang namalagi sa madilim na bahagi ng lugar. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit ginagawa niya ngayon ang makinig sa kwento ng buhay ng iba. Bagay na hindi niya nagawa sa kahit kanino. Kahit kaibigan pa niya. Lumaki at nagbibinata siya na kulang sa gabay ng ama. Hindi niya naranasang mahalin nito gaya ng karaniwang pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak.
"Halika na, bumalik na tayo sa tent. Masyado ng mahamog." Paanyaya niya sa dalaga makalipas ang ilang minuto ng mapansing niyang tahimik na ito.
"Mamaya na lang ako babalik, gusto ko pang mag stay dito. Mauna ka na susunod na lang ako." Tutol nito sa kanyang paanyaya. Ang totoo ay gusto nitong sa lugar na iyon magpalipas ng gabi. Nais niyang subukan mag-isa sa ganung klase ng lugar. Mula pagkabata ay ngayon lang niya naranasan na magawa ang mga bagay na gusto niyang gawin na hindi kailangan tutulan ng kanyang ama.
Napangiti pa ang dalaga ng makitang tumayo na ang binata. Ibig sabihin aalis na ito. Napahugot siya ng malalim na paghinga ng muling ibalik ang kanyang mga mata sa mga nag kikislapang bituin sa kalangitan.
Nakakaramdam na siya ng lamig ngunit hindi niya ito alintana. Nakalimutan niyang magsuot ng makapal na Jacket kanina.
"Here." Wika ni Ged, habang iniaabot sa kanya ang isang kulay itim na Jacket. Nakasuot na rin ito ng Jacket.
"Bakit ka ba na nagugulat? Akala ko bumalik kana doon?" Aniya ng makahuma sa pagkabigla saka inabot ang Jacket, hindi na siya tumanggi dahil nilalamig na siya.
Sa halip na sumagot tumawa lang ito.
"Ang ganda ng mga bituin no? Sana naging bituin na lang ako." Mababakas sa inosente nitong mukha ang labis na kalungkutan.
"Gusto mo bang dito magpalipas ng gabi?" Sa halip ay tanong ng binata sa dalaga.
"Oo! Iyon nga ang balak kung gawin." Nakangiting wika nito.
Napangiti din ang binata. Kanina pa niya iniisip ang tumatakbo sa isipan nito. Kaya't kumuha siya. ng Jacket nila upang hindi sila lamigin.
"Cge, deal walang matutulog sa atin ha. Buong gabi natin pagmamasdan ang kalangitan." Masayang wika ng lalaki.
Napangiti na lang siya ng makita ang pagtango nito tanda ng pagsang-ayon ng dalaga.
Hindi niya akalain na ang Spoiled brat na unica hija ni Mr.Ramirez ay kasama niya ngayon at mayroong childish side. Lumipas ang tatlong oras na tahimik sila at wala ng nag salita. Hanggang sa nakaramdam siya ng hindi matatawaran antok. Idagdag pa na mas dumoble na ang lamig dulot ng mabining simoy ng hangin na humahalik sa kanilang balat.
Sa tantiya niya ay mag-uumaga na. Dahil sa antok na nararamdaman niya, bumaling siya sa pwesto ni Maricon. Tinutok niya ang kanyang flashlight sa puno kung saan ito naroon.
Hindi niya napigilan ang kanyang sarili na tumawa dahil sa nakitang ayos ng dalaga ng itapat niya pang lalo rito ang kanyang flashlight ng makalapit siya rito. Nakayupyop ito sa malalaking ugat ng punong kahoy, na animo'y sanggol na bagong silang. Naka half open ang mga mata nito habang nakabukas naman ang bibig. Tumatawa na lumapit siya rito. Hindi niya na bilang kung ilang beses na siyang tumawa mula ng makasama niya ang babae. Hindi na niya ito ginising dahil nasa kasarapan na ito ng tulog. Dahan-dahan siyang lumapit at maingat na binuhat si Maricon sa kanyang mga bisig na parang bagong kasal habang hawak ng isa niyang palad ang flashlight na siyang nagbibigay tanglaw sa kanila. Pero dahil nakakaramdam na siya ng pangangalay sa kanyang kanang kamay kaya't binilisan pa niyang lalo ang kanyang paglalakad.
Nang sapitin nila ang tent nito maingat niyang ibinaba sa isang single foldable foam bed ang dalaga. Matapos niyang ayusin ang pwesto nito at kumutan ang maliit nitong katawan ay hindi pa niya nakuha na lumabas agad ng silid. Pinagmasdan niya ang payapa nitong pagtulog. He can't stop himself na titigan ang mala anghel nitong mukha.
Ilang minuto pa ang pinalipas niya, tuluyan ng nawala ang antok na kanyang nararamdaman. Lumabas na siya sa tent ng babae. Hindi pa man niya nararating ang sarili niyang tent may napansin siyang bulto ng katawan ng isang babae na lumabas sa tent ni Andrew. Sa tulong ng liwanag na nanggagaling sa buwan nakilala niya ito. Walang iba kundi si Andrea, ang step-sister ni Maricon. Napailing na lang siya sa kanyang naisip na maaaring gawin ng isang babae at lalaki sa loob ng tent sa ganung oras. Hindi naman lingid sa kanya kung anong klaseng babae ito, bukod sa madalas itong laman ng mga bar at tinaguriang b***h party girl ay alam din niya kung sinu-sino na ang lalaking pinapatulan nito katulad ng ina nito. Balak sana niya itong iwasan ngunit bago pa man niya nagawa ay nakita na siya nito, saka nagmamadaling lumakad palapit sa kanya.
"Hi Ged!" Malanding bati nito saka humawak sa kanyang dibdib. At ngumiti ng mapang-akit.
"Stop." Pigil ang inis na pigil niya sa kamay nito. Naiinis siya sa mga ganitong klase ng babae, walang pinagkaiba sa babae na nanakit sa kanya.
Agad na niya itong iniwan napakalayo ng ugali nito sa step-sister nito.
"Hmmm suplado!" Nanggigil na sigaw nito sa kanya.
Kinabukasan Nagising si Maricon dahil sa mainit na bagay na tumatama sa kanyang mukha. Nang magmulat siya ng mata napapikit siyang muli dahil nasilaw siya ng sikat nang araw na siyang tumatama sa kanyang mukha. Nagmamadaling bumangon ang dalaga, saka niligpit ang mga gamit sa pagtulog. Agad din niyang kinuha ang lalagyan ng kanyang mga toiletries upang magtungo sa batis dinala na rin niya ang kanyang pamalit na damit at bath towel.
Paglabas niya ng tent ay nakita niya ang kanyang mga kasamahan na abala sa kani-kanilang ginagawa. Ang ilang kalalakihan ay abala sa pagluluto, habang ang mga babae ay hindi niya makita. Wala rin si Ged, marahil ay tulog pa ito dahil napuyat sila kagabi.
Kagabi? Agad siyang nalito ng maisip ang nangyari kagabi. Sa pagkakatanda niya sa isang puno siya nakaupo. Paano siya nakarating sa tent niya? Nag sleepwalk ba siya? Pero imposible! Hindi niya ginawa yun. Kasama niya si Ged kagabi. Oh my! Hindi kaya. Ahhhh!
Tili ng kanyang isipan.