Lumakas ang hinala niya ng bigla itong nanahimik at nawala ang matamis na ngiti sa mga labi nito kanina. “Isang buwan po, mula ng umalis kayo ay pinamahalaan niya ang inyong boutique ayon sa kagustuhan ni Sir Joaquin. At mula po noon ay hindi na gumanda ang takbo ng boutique mo ma’am, dahil marami po sa mga regular customer natin ang umalis dahil madalas tarayan ni Ms. Andrea sa tuwing hinahanap kayo. Tapos ngayon po ay paubos na ang stock natin pero wala pong pera sa kaha, dahil para po makakuha ulit siya ng mga bagong customer madalas ay ibinabagsak niya ang presyo ng mga items. Hindi niya nga rin po kami pinapasahod ng tama sa oras kaya po umalis na po ang dalawa nating dating staff at nag hire na lang siya ng bago. Gusto ko na rin po sanang umalis kaya lang ikaw at ang boutique ang i

