Chapter Twenty Six

1055 Words

Nanlaki ang kanyang mga mata ng sumuot sa kanyang ilong ang pamilyar na pabango ng kanyang ama. “Pasensya ka na! Hija.” madamdaming saad nito at mababakas din sa tinig ang labis na emosyon. Hindi niya alam kung para saan ang pasensya na ‘yun? Kung para sa inasal ni Andrea o dahil nakilala siya ng kanyang ama. Sa kawalan ng masabi at kagustuhang makalayo sa mga ito ay hindi na siya nag-abala pang sumagot bagkus ay mahina siyang tumango at tumalikod na paalis. Agad namang inalis ng kanyang ama ang palad nito sa kanyang balikat ng maramdaman ang pagpihit niya paalis. Samantalang ng nakaupo na ang pamilya ay nagsalita si Cassandra. “Parang pamilyar sa akin yung babae na nabangga mo kanina, Andrea.” kausap nito sa anak na abala sa pagpili ng mga pagkain na nasa menu. “I don’t know her, ma.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD