Ilang sandali niyang hinayaan ang kanyang sarili sa ganoong posisyon bago niya naisipang tumayo at buksan ang cake na dala niya. Ayon sa kanyang ama ay ito ang paboritong cake ng kanyang ina kaya ito na rin ang naging paborito niya at madalas nilang dalhin sa puntod nito. Matapos buksan ang box ng cake ay kumuha siya ng isang slice at lumuluha na kinain iyon. Saka pumikit at nagdasal, umaasa siya na sana ay dumating ang kanyang ama at hindi nito tuluyang kinalimutan ang kaarawan ng dati nitong asawa. Naghintay pa siya ng ilang oras at halos sa puntod ng ina niya ginugol ang natitirang oras ng araw na ‘yun. Hindi siya nawawalan ng pag-asa na darating ang kanyang ama sa special na araw na iyon. Gusto niya itong makita at ng mai-paliwanag niya dito ang dahilan ng kanyang pag-alis baka sakal

