Chapter Twenty Eight

1126 Words

Ang katangian na iyon ng kanyang ama ang dahilan kung bakit pinili niyang bumukod ng tirahan simula ng e-turn over nito sa kanya ang kumpanya. Dahil ayaw niyang makita ang kanyang ina na madalas umiiyak at hindi makatulog sa gabi sa kakahintay na umuwi ang kanyang ama. “Okay lang ako, mom. Huwag mo na akong alalahanin dahil hindi na ako bata. Ang gusto ko ay alagaan at ingatan mo ay ang iyong sarili.” saad niya sa babae. “Oo naman anak, lagi na akong inaalagaan ng iyong ama. Saka hindi na kami madalas mag-away. Sa katunayan nga niyan ay ngayon na lang ulit yun nagpaalam na gagabihin siya ng uwi.” nasisiyahan pagku-kwento nito. “Oh! Sige na mom. Magpapahinga na muna ako sa aking silid.” paalam niya. Hindi pa man nakakasagot ang ginang ay tumalikod na siya at tinungo ang dati niyang silid

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD