Isang malakas na suntok ang tumama sa kanyang bibig at ang galit na galit na mukha ng kanyang ama ang nabungaran niya. “Engrato! Sa ayaw at sa gusto magpapakasal ka, alin man sa dalawang babae na nasa paligid mo!” galit nitong sigaw. Pinahid niya gamit ang kanyang palad ang dugo na nalasahan niya sa kanyang bibig saka matalim na tiningnan ang kanyang ama. Sa halip na sumagot dito ay pinigilan niya ang kanyang sarili dahil nakita niyang nahihirapan itong huminga. Padaskol siyang tumalikod sa ginoo. Narinig pa niya ang pagtawag nito sa kanyang pangalan pero hindi na niya ito nilingon. Binuksan niya ang pinto ng library at tuluyan ng lumabas. Pababa na siya ng hagdan ng lumabas ang kanyang ina mula sa masters bedroom. “Anak! Bakit lumabas ka agad? Pinapagawa ko ng kape si Manang para da

