Agad naman itong tumalima at umupo sa gilid ng higaan nito saka yumuko upang tanggalin ang suot na sapatos. Pero dahil nakita niyang nahihirapan itong gawin iyon ay lumuhod na siya sa sahig at kusa na itong tinulungan na matanggal ang sapatos at medyas na suot. Nang matapos ay tumayo na siya at inilagay sa ilalim ng kama ang sapatos. Habang si Ged naman ay nanatili lang nakaupo sa gilid ng higaan nito. Pumihit na siya patalikod dito upang magtungo sa banyo ng hawakan nito ang kanyang palad at ubod lakas siyang hinila sa higaan nito saka ito biglang humiga ng patihaya, siya naman ay nanlalaki ang mga mata ng bumagsak sa malapad nitog katawan matapos siya nitong hilahin. Ngunit hindi pa man siya makakabawi sa pagkagulat ay dumapa naman ito kaya ang ending ay tuluyan na siyang napailalim sa

