“Wala po akong order, kuya. Baka nagkakamali lang po kayo.” saad niya dahil baka mali lang ang unit na napuntahan nito. “Ah, hindi po ma’am. Si Sir Lustre po ang umorder nito at pinadala dito sa unit niya.” sukat sa sinabi nito ay nanlaki ang kanyang mga mata. Muli niyang binalingan ang logo sa paper bag at saka lang niya napagtanto na logo ito ng restaurant na pagmamay-ari ng ng ina ng binata kaya pala pamilyar ito sa kanya ay dahil dito sila kumain kahapon at ito rin ang restaurant na madalas mag deliver ng pagkain nila sa tuwing umoorder ang lalaki. “Okay! Salamat.” aniya sa lalaki. “Enjoy your food, ma’am. Happy eating!” pagkuway saad nito bago tuluyang tumalikod. Nang tuluyan niyang isara ang pintuan ng unit ay bahagya niyang binuksan ang supot na hawak at mula doon ay umalingasa

