Sometimes, even though you love someone so much, you can't just have him. "I'M EXHAUSTED." "Same here." "Bakit ba kailangan kong sumama sa inyo?" Tumigil sila sa paglalakad at tumingin sa akin dahil sa pagsasalita ko. Kasama ko ngayon sila Dalia, Alvis, Chloe at maging si Theo. Napaisip ako bakit ako nagpahila sa mga ito. Kung tutuusin ay mas gusto kong mapag isa. Isa pa, itong si Theo napapadalas na ata ang pagsama sa mga ito. Hindi ba kaibigan niya si Kreios. Kaya ko mang alamin ang mga sagot sa tanong ko ay hindi ko pa rin inalam. "Kailangan pa ba talagang itanong iyan, Hel? Syempre, we're friends! Normal lang na magkakasama tayo 'no." Masiglang sigaw ni Chloe. Hindi ko alam na marunong pala siyang makipagkaibigan. Isa pa bakit ba ang sigla niya? May rason ba para maging masaya? H

